Saturday, November 24, 2012

SULSI #1 to #2 by Ronzkie Pacho-Vidal (Ikos Komiks)



For just seeing the cover, matutuwa ka na agad sa mga cute na characters, pano pa kaya pag nabasa mo na ang kwento nila.

Yan ang naisip ko, kaya isa to sa iilan na komiks na I always like to share sa mga katrabaho ko.  As expected, nagustuhan ng mga bumasa.

Tungkol eto sa adventure ng mga Ragdoll para sagipin ang kaibigan nilang si Aw-haw (dog ragdoll) mula sa mga aso sa bahay na bato.

Awwww ang cute nun first pages.  Feeling ko nanonood ako ng movie.  Very effective yun images.  Ang galing nun sequence ng eksena.  Very expressive yun mga face nila.  Buhay na buhay.  But, matapos ang nakaka-aliw na pages, talagang napa-isip ako, bakit sila nahulog mula sa langit?  saan sila nagmula?  bakit tinangay si Aw-haw?
Hmmm.  Ayun wala na si Aw-haw.  Eto na ang kadramahan ng mga bida.  kelangan nila hanapin at iligtas ang nawawalang kaibigan.

Sobrang likeable yun tatlong character na Ragdoll na ipinangalan sa mga kulay, si Asul (blue), si Pula (red), at si Lila (purple).  Bawat isa meron distinct personality.  Meron rin extra page para sa character reference.  Most remarkable sa characters ay si Asul.  Hindi sya makasarili.  Gagawin nya lahat para sa kaibigan.  Hindi sya nawawalan ng pag-asa.  Buo ang loob.

Pero hindi sya ang favorite ko hehe.  Mas gusto ko kase si Lila.  Sya ang pinaka-expressive.  Kitang kita mo sa kanya kung takot sya dahil sa aso, o masaya sya dahil sa magandang sapatos, o malungkot sya dahil tingin nya di na nila makikita si Aw-haw.

Isang malaking tanong.  Pano sila nagkaroon ng buhay?  Sa dalawang issues na yan, kahit pahaging lang, walang trace kung ano origin nila.  Nakaka-intriga.  Tulad ba sila ng Ragdolls sa animated movie na "9" na may taong nilagay ang soul nya sa ragdolls, o ng Bayan Knight na si Lito na isang pagkatao ng katutubong mandirigma?  o sadyang hulog lang sila mula sa langit?

Napakahusay ng pagkagawa ng komiks na to, talagang pinag-isipan at hindi minadali.  Gustong gusto ko yun mga dialogue ng characters, meron distinction bawat isa.  Parang sarap gawing bedtime story sa mga bata.  Tulad nun sinabi ko sa itaas, parang sarap panoorin yun unang scene bilang animated cartoon, nai-imagine ko ang reaction ng mga batang manonood, nagsisigawan; anKyut.  Grabe rin ang details sa drawing ni Ronzkie, mula sa bawat balahibo ng ibon, hanggang sa bawat  hibla ng buhok ni Lila at sumbrero ni Asul, panalo.

Wala ako masyado masabi... Basta sobrang nagustuhan ko tong komiks ni Ronzkie, bukod pa sa ibang naggagandahang titles mula sa Ikos Komiks tulad ng Karit, Ang Hinirang Haku-Haku, Dalawang Liham, Pitumput-pitong Puting Balahibo ng Pusa, atbp.

I suggest na kitakitz tayo sa mga convention at dumaan sa booth nila.  Bili tayo ng Komiks, di tayo magsisisi.


- Kristopher Dimaano Garello

Friday, November 23, 2012

SEGOVIA SOLUTIONS #1: MUCKRAKER by Jerald Uy and Jether Amar

Note:   Major SPOILERS ahead.


Nanood ako ng news sa TV, tatlong taon na pala ang nakalipas nun nanyari ang pagpatay sa 58 na katao sa Maguindanao including some mediamen.  Napaisip ako, what if totoo ang mga superhero tulad ng Bayan Knights, may magagawa kaya sila para mapigilan toh.

Eto, muling binuklat ang komiks na Segovia Solutions nila Jerald Uy at Jether Amar.  Tungkol eto sa isang Call Center na kakaiba ang assistance na binibigay sa mga client nila.  Layunin nila magbigay ng assistance sa mga superhero para malutas ang mga problema kinakaharap ng pilipinas.

Sa issue #1 Muckraker, ang istroya ay sumentro sa "killing of journalists", two-years after the Maguindanao Massacre.


The question is  --- What do we do about it? What happens after Maguindanao?
Si Muckraker, superhero ng mga journalist.  May kakayahang saluhin ang mga bala.  At dahil sa technical assitance ng agent ng Segovia Solutions, naligtas nya ang isang journalist at nahuli nya si 30, ang gunman na pumapatay sa mga iresponsible jounalist.

Ang galing ng concept ng komiks na to.  Lalo pa at dahil isa si Jerald sa mga reporter na nag-cover sa Maguindanao.  Naiparating nya sa mambabasa kung ano ang mga panganib at saloobin ng isang mediaman.  For that, salamat Jerald, now lalo ko na-appreciate ang mga news sa TV.

Tungkol naman sa kwento.  Sa simula nalito lang ako kung ano kinalaman nun kwento ng ng dalawang bata 12 years ago, kelangan ko pa tapusin yun buong komiks then basahin ulit lahat para maintindihan, lalo pa at walang name yun isang bata, kung di ko pa makita yun print sa shirt nya di ko pa sya marecognize.  Pero, very nice backstory for the two main characters, they same undergone some trauma, pero different ang naging effect sa kanila.  Then about dyan sa double-page spread sa taas, "you tell me, if this doesn't creep you out'' parang kulang, o siguro mas may dating kung may additional images  o panels pa, o yun facial expression ni Lester parang flat, kulang sa emo.  Pero nice, lalo na sa nest images, yun news van and the seal sa backhoe, nice details.  Question rin, at first, it seems na yun 2nd-year after Maguindanao news prompetd Calvin na maging hero ng journalist, pero mukang magkakilala na sila ni 30 o nagsagupaan na sila some time before, so clearly mali ang assumption ko.  At saan galing ang superpowers nila? Yun kay Calvin siguro sa spilled chemical from his Mother's experiment.  E yun kay 30?  daming questions, nakaka-intriga, siguro dahil issue #1 palang.  Siguro masasagot sila sa next issues, pero may doubt ako dahil mukang different plot na yun #2.  Anyway, this is one great Komik.  I will be eager to suport all issues na ilalabas nyo.  Judging from the whiteboard, mukang maraming nice stories ang ibibigay ni Jerald.  I will just wait for them.


- Kristopher Dimaano garello


Last note:  So, abangan natin ang mga susunod pa mula kay Jerald.  Pag bumili ka pala netoh, bibigyan ka nila ng digital copy via Email, mas maganda ang experience basahin dahil colored.

Wednesday, November 21, 2012

Anak ng Tupang Itim ni Rommel Estanislao


Matagal ko nang gustong mabasa yung mga ibang gawa ni Rommel “Omeng” Estanislao. Lipad pa lang kasi ang meron ako. Binigyan nya ako ng kopya nung una ko syang nakilala sa Metro Comic Con. Eventually, nakabili rin ako ng Sulyap Anthology kaso Lipad rin ang kasama dun.

Buti na lang, ni-release ng Onward Publishing House ang compilation ng Anak ng Tupang Itim. Tuwang-tuwa ako nung available na ito sa National Book Store kaya binili ko agad. Somehow, iba yung saya ko pag nakakakita ako ng mga indie komiks na naka-display sa NBS. Nationwide distribution ang isa sa mga hurdles ng industriya sa ngayon at dahil sa mga publishing companies na gaya ng Onward, nabibigyan ng tsansa na makarating sa mas maraming readers ang mga magagandang komiks gaya nito.

Gaya ng sabi ko kanina, compilation itong book na ito. Napapaloob rito ang tatlong issues na ni-release na ni Omeng dati sa Komikon 2007 at 2010.  Ayon sa decription nya sa Tupang Itim Facebook page, “social and political satire” ang komiks na ito.

Kakaiba ang humor ni Omeng. Mahusay ang delivery. Yung iba, simpleng wordplay lang pero karamihan, mabigat ang mensahe. Sa unang chapter, nagustuhan ko yung Sign Boards, 7 Deadly Sins, at Leader Sheep. Natawa ako ng malakas run sa Sleeping Habit 1 and 2. Laugh trip din yung Carousel at Labada. Digital art ang gamit ni Omeng sa chapter 1 kaya mostly sa mga gawa nya rito, pang-wallpaper ang dating.  

Eto yung sinasabi kong Leader Sheep: 


Ganda, diba? Simple lang pero very symbolic at meaningful.

Artwise, nag-traditional naman si Omeng sa chapters 2 and 3, meaning pencil and ink ang ginamit nya. Plus pinaghalo na nya talaga ang words at drawings para maiparating yung mga mensahe nya. Kumbaga, mas komiks. Mas nagusuhan ko.

Sa chapter 2 (“Love Your Neighbor”), inupakan ni Omeng yung ilan sa mga masamang ugali ng Pinoy gaya ng pagiging inggetero, pambubulahaw sa kapitbahay gamit ang videoke, pagiging pintasero, at marami pang iba.

Enjoy naman yung chapter 3 (“Halo Halo Espesyal!”). Kung gusto mong makita sina Wolverine, Hulk, Ghost Rider, Flash, Superman, Human Torch at Magneto na Tupa version, ito na ang pagkakataon mo hehehe! Tapos may cameo pa si Bruho Barbero. Kaaliw! Pero gaya sa mga unang chapter, meron pa ring ilang mabigat na komentaryo si Omeng rito lalo na yung tungkol sa Idolatry na somehow, possible na maging offensive sa ilang mambabasa (well, depende na lang siguro kung ano ang religion at pananaw mo).


Overall, isa lang ang masasabi ko: matindi si Omeng. Ibang level.  Nagawa nyang mailagay nya yung Tupang Itim sa iba’t-ibang nakakaaliw at thought-provoking na mga sitwasyon. Cute at nakakatawa pero may aral.

Sana i-release din ng Onward yung iba pang mga gawa ni Omeng, lalo yung Love Story at Bruho Barbero. At sana maraming komiks readers na bumili nitong pocket-sized komiks na ito. 85 pesos lang! Available sa lahat ng NBS outlets. Sulit na sulit. Pramis!


- Mark Rosario

= = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = =  = 

Same thoughts lang kami ni Mark.  Konting dagdag lang ako.

Pocket-sized comics (kung malaki ang bulsa mo). Naalala ko dati nung pumunta ako sa isang tindahan sa Cubao Expo (namimiss ko na ang Sputnik). Naghahanap ako ng mga gawa ni Omeng. Tinanong ko kung nasan yung Anak ng Tupang Itim.  Ayun, nandun lang pala. Di ko napansin kase maliit.  Wala kase ako idea na maliit lang yun, hehe.


At ngayon, yun maliit na indie komiks na yun, Big time na ngayon.  Makikita na sya sa shelves ng National Bookstore.  WoooHoooo!!!..  Making a Big difference!

Eto ang favorite ko.  Leader Sheep 2/Lost Sheep:  Simple, pero talagang umukit sa puso ko. "You cannot lead if you are lost."  Napa-reflect ako rito.  Dami ko realization.... Sa apat na sheep na yan, hanggang ngayon tinitimbang ko parin kung sino ako, lahat kase nakaka-relate ako e. Awwww.
Isa pa sa notable para sakin ay yung IDOLATRY.  Gaya rin ng sabi ni Mark, some people might find it offensive.  Risky.  Well.....
 
Blah blah blah blah blah blah black black sheep...




- Kristopher Dimaano Garello

Tuesday, November 20, 2012

MAGUGUNAW NA ANG MUNDO, NASA'N KA NA BA LABS KO?! by Ma. Kristina Paguibitan & Wilvic Canas (Salimpusa)


Isang black cover na nakasulat ang title na MAGUGUNAW NA ANG MUNDO, NASA'N KA NA BA LABS KO?!.  Simple, pero ang lakas ng dating.  Agad ko syang binili.

Ano ang gagawin mo kung isang umaga magising ka, at malaman mo na katapusan na pala ng mundo? Ang malala pa dun, wala sa tabi mo ang pinaka-mamahal mo - si Labs.

Gaya nga ng sabi sa title, tungkol to sa "end-of-the-world."  Ang araw kung saan naglalabasan ang mga demonyo mula sa impyerno at umuulan ng mga bolang apoy mula sa kalangitan.  Nakakatakot?  Pero sa komiks na to, kwelang isinabuhay ang pinaka-nakakatakot na hinaharap.

Imagine mo, hinahabol ka ng mga demonyong ganito ang hitsura.

Maraming beses akong tumawa sa komiks na to.  Nakakaaliw ang mga banat.  Ang facial expresions, panalo.  Nakakatuwa ang mga eksena. 

Pero napaisip ako, paano nga kaya kung magyari yun?  Handa ba ako makipaglaban sa mga demonyo para lang mahanap ang aking Labs.
"Ganito pala magwakas ang mundo, nakakawalang gana; Boring, mas exciting kasi siguro kung kasama ka."
Sa likod ng mga nakakatuwang drawing ni Wilvic, may mabigat palang istorya si TinApie.  Istorya ng tunay na pagmamahal.  Yun tipong para sa iba ay isang malaking kahibangan lang.  Yun handa mo ibigay ang lahat sa ngalan ng pag-ibig.  Kahit ikamatay mo pa.  Kahit pinagtatawanan ka lang ng mga demonyo?... BWAHAHAHA!


Hmmm.  Ang masasabi ko lang, panalo tong komiks na to.  Mula sa kwento (na based dun sa tula na nasa later page) hanggang sa style ng pagkadrawing.  Walang masyado dialogue.  Tamang-tama ang pacing.  Kahit nakakatawa yun drawing, damang dama ko parin yun trill, bumibilis ang tibok ng puso ko sa action scenes.  At sobrang natuwa ako sa ending (awww ang cute)  Tunay na ang pag-ibig ay makapangyarihan.  Bonus pa yung napaka-gandang tula ni Kuligma (di ko alam kung sino sya) na pinagbasehan ng kwento; pati narin yun extra page ng sketches/study nun characters.  Lalo ko naapreciate tong komiks dahil dun.

Isa lang to sa magagandang gawa ng Salimpusa, tulad ng Miles, The Never-Ending-Urk, Unwanted, Tales of Whiz, etc.  Visit their booth tuwing Komikon, mababait yan mga yan.

- Kristopher Dimaano Garello



Monday, November 19, 2012

ANG ASTIGING BOY IPIS: BIGATIN by Paul Michael Ignacio


Si Boy Ipis ang isa sa mga pinakakaabangan ko sa Bayan Knights kaya nung nabasa ko somewhere na Boy Ipis will be rebooted, napa-WTF ako.  Ang pagkaintindi ko kase sa "reboot" e yung parang sa computer na mawawala lahat ng lumang files.  Ibig ba sabihin neto ay di na natin makikita ang kalalabasan ng laban nila ni Turbo Rat?  O di naba mahahanap ng Boy Ipis alter ego ang kanyang pag-ibig?.

Naintriga tuloy ako.

Kaya nung binili ko eto nung Komikon 2012, tinanong ko agad kay Paul Michael Ignacio kung itutuloy pa ba yun series nila ni Gilbert Monsanto tungkol kay Turbo Rat na two years ko na inaabangan.  Good news.  Sabi nya, yup itutuloy at malapit na ilabas yung #3.   Woohooo!  At later that night may nabasa ako somewhere ulit na dapat ire-release na rin yun #3 dun sa event kaso lang parang di yata natapos ni Ignacio yun letters sa issue.

Ayun, so if you are expecting to see Boy Ipis fight along side other Bayan Knights like Phantom Cat and Gwapoman, sorry to disappoint you, ibang Boy Ipis ang masasaksihan natin dito.

Marty Pototoy is a 14-year-old "not-so-average" teenager from Baliwag, Bulacan who is studying at Adobo Academy.

What!!! Tama, ang ating bida ay isang bata.  Isang tipikal na magaaral na pumapasok sa eskwelahan, bumabagsak sa exams, nagkaka-crush sa classmates, at biktima ng school bullies.  Very unlikely na isa pala syang superhero.  Hindi in-born ang powers nya, hindi rin yun pagkaloob ng alien o ng dyos ng kung ano paman, at lalong hindi sya nakagat ng Ipis.  Aksidente lang ang lahat.  Isang malaking katangahan kung tutuusin hehe.  IPIS-VITAMIN na nakapagbigay sa kanya ng kakaibang kakayahan na tulad ng kay Spider-Man except di nya kaya maglambitin sa sapot.

Sa isang boring monotonous na araw sa Adobo Academy, nagkaroon ng reptile invasion.  Snakes, frogs, lizards, crocodiles, atbp.  Dito masusubukan ang kakayahan ni BOY IPIS.....

Sobrang na-enjoy ko ang komiks na to.  Maraming matututunan.  Tulad ng mga nice-to-know facts about sa Ipis, elephant, and reptiles.  Nagustuhan ko rin yung quotable quote from Leo Tolstoy.
"A man is like a fraction whose numerator is what he is and whose denominator is what he thinks of himself.  The larger the denominator, the smaller the fraction."
Pero ang talagang lesson na magugustuhan ng lahat ng readers ay yung istorya ni Dok Biggs.  How his life changed.  At yun mga payo nya kay Marty:
"Never give up..... Try harder.  Don't you lose hope.  If you succeed, good.  But if you fail, let it be.  That's when true learning starts.  Good and bad things will happen.  Oh, they will.  But you'll never know the outcome if you quit...."
Very inspiring.

Super like ko rin yun modification sa costume ni Boy Ipis.  Nakakatuwa yun boots nya.  Parang naka-Gwantes yun Toes nya.  Siguro GwanToes ang tawag dun.

Ang isang bagay lang na medyo di ko nagustuhan sa kwento, ay yung part na pinapatay ng reptiles yun students, school personnel, and police.  Nagkalat ang dugo.  Nagtatalsikan ang mga paa at kamay.  Nilamon ng buong buo ang ulo.  I am glad hindi colored yung pages.  With that and given na maraming image ng nakakatakot na reptile, talagang hindi sya pede pabasa sa kids. Nightmare ang aabutin ng mga bata.  Just a thought.

Sa art naman, gustong gusto ko ang tirada ni Mike, bagay na bagay sa story.  Very expressive yung faces.  Nakatulong rin yun mga sound-effects tulad ng "CHOMP" and "CRUNCH" habang kinakain ni Reptullo yung mga ulo ng police. Very effective.  Astigin rin yung style ng panel-border para sa backstory ni Dok Biggs.  Sa ibang komiks kase, napansin ko nakakalito. Same kase yun gamit na borders ng backstory and main story.  Salamat rin at naglagay si Mike ng ARROW sa mga nakakalitong sequence ng panels.  Nakakatuwa rin malaman na humingi sya ng help with his fellow Bayan Knights sa inking (Wan Mananita and Renie Palo).  Yan ang gusto ko sa Bayan Knights (We are One), nagtutulungan.

Overall, panalo tong Komiks ni Mike.  Sobrang nagustuhan ko sya (except sa "Crunch" sound effect").  Ito pala ay Special Komikon 2012 exclusive, parang teaser lang ng upcoming graphic novel na ilalabas nya sa Summer Komikon 2013, I recommend na magpa-reserve na tayo ng copy.  Siguradong magiging crowd-favorite 'to.  Syempre suportahan rin natin ang Boy Ipis #3 (BK tie-in) sa Summer Komikon at ang mga future projects ni Mike.

- Kristopher Dimaano Garello

Sunday, November 18, 2012

Indie Komiks Preview: Kalayaan #14 ni Gio Paredes


Nagulat at natuwa ako sa cover ng Kalayaan #14 ni Gio Paredes.

"Huwaw! Totoo ba to? Kalayaan at Adoboverse crossover? Asteeg!"

Kakaiba talaga si Gio. Pagkatapos ng matinding love story (issues 9 to 12) at malupit na bakbakan (issue 13), eto naman ang ihahain nya sa atin. Very unpredictable talaga ang direction ng komiks nya.

According kay Gio, cartoony ang artstyle na gagamitin nya rito. Nakatapos na nga raw sya ng 4 pages sa interiors tapos nasend na rin ni Bien Del Rosario (Adoboverse creator) sa kanya ang page 11. Exciting di ba? Plus interesting malaman kung pano magbe-blend ang story ni Kalayaan sa mundo ng Adoboverse. Actually, two years ago na raw mula nung nag-start sila ni Bien na planuhin tong crossover nato.

Aabangan ko to, for sure! Fan ako ni Kalayaan at matagal ko nang miss ang Adoboverse (naghihintay pa rin ako ng issue 3!). February 2013 daw ang release sabi ng cover.

Good luck sa inyong dalawa, Gio at Bien!

- Mark Rosario



Monday, November 12, 2012

KALAYAAN volume 1 ni Gio Paredes


Si Kalayaan ay una kong nakita sa pages ng Bayan Knights #2.  Isa sya sa mga member ng Powerhouse Division, na may mala-superman na power.  Sunod ko sya na-encounter sa Sulyap anthology, featuring Kalayan #1.
Fast forward!

Sa National Bookstore ko nabili tong book ni Gio Paredes.  Akalain mo yun? Isang indie komiks na nasa bookstore (sobrang dedicated talaga ni Gio sa mga gawa nya.  Pagkaka-alam ko sya pa mismo nagdadala ng Kalayan sa National Bookstore)?  Sana dumami ang indie creators na tulad nya.


Balik sa book.

Ang Kalayaan volume 1 ay collected edition ng single-issues #1 to #4 ng Kalayaan, plus some materials na makikita sa #0.  Sa simula, di ko nagustuhan ang komiks na to.  Nag-eexpect kasi ako na Pinoy na Pinoy ang makikita ko.  Dahil siguro sa mga kalaban nya na parang walang bakas ng pagiging Pinoy ang hitsura lalo na yung mga name nila (Blood Fang, Die-Cut, and Vorgon); foreign na foreign.  Pero sa mga sumunod na chapter, sobrang nagustuhan ko na ang takbo ng kwento.  Lalo nung talagang pinakita sa kwento ang kultura ng Pilipinas.  Mula sa pagiging matulungin sa kapwa, hanggang sa pagmamahal sa pamilya na mahusay na inilapat sa mga pahina ng komiks.  Pinakita rin sa kwento ang mga isyu sa Pinas tulad ng kahirapan, edukasyon, politika, justice system, atbp.  At ang inaakala kong super lakas na Kalayaan, meron palang tinatagong kahinaan.

Sa pag-usad ng kwento, marami nabubunyag tungkol sa pagkatao ng ating bida, bilang John Dela Vega, ang alter-ego ni Kalayaan.  Isinabuhay nya ang isang typical na Pinoy na biktima ng kahirapan na naghahangad ng pagbabago.  Dahil sa magandang loob at tapang, sya ang napili na maging test-subject sa project Kalayaan.  Bilang isang Kalayaan, na may natatanging lakas, sa tulong ng genetic enhancement at high-tech na damit at sandata, nagawa nyang maging bayani ng mga Pinoy.  Dahil sa pagkakamali ng kalaban na nag-aakala na mapapatay ang ating bida sa kanilang paraan, si Kalayaan ay nagtaglay pa ng mas higit na lakas na magagamit nya para magagapi ang kalaban, ngunit may nag-aabang ng kapalit...

Tulad ng nasabi ko na, di ko muna nagustuhan ang Kalayaan, ayoko kasi sa superhumans e.  Pero iba si Kalayaan. Sobrang likeable yun character dahil sa napakahusay na pagsusulat ni Gio.  Hindi sya yung superhero comics na puro bakbakan na nakalimutan na nila pahalagahan yun personal na kwento ng character.  Sobrang ayos yung backstory. Talagang na-introduce yun character ni John dela Vega, na nilapatan pa ng pagguhit ni Gio. Damang-dama ko ang bawat emosyon, ang bawat luha ni Kalayaan.  Si Kalayaan, ang superhero na iyakin.  Sobrang nakakalungkot yun ending ng volume 1, apektado ako...

Sa kabuuan, sobrang na-enjoy ko tong volume #1 kaya sinigurado kong lahat ng susunod pang issue ay susubaybayan ko.  Di nagkamali si Gio na bigyan ng Bandila-inspired costume si Kalayaan, sya talaga ang NEW PINOY SUPERHERO.

- Kristopher Dimaano Garello


Ang Kalayaan volume 1 ay mabibili sa maraming branches ng National Bookstore, Bestseller, at Comic Odyssey sa halagang 180 pesos lang, sulit na sulit..  Currently, meron nang 13 issues ang Kalayaan na maari mabili sa Comic Odyssey sa halagang 60 pesos.  Maari nyo rin sila mabili personally kay Gio tuwing may comic conventions, pede pa kayo pa-autograph o pa-picture.

CODENAME: BATHALA #1 & #2 by Jon Zamar & Judd Abinuman


Codename: Bathala is about a crystal-powered armor that grants its bearer the ability of flight and use electric current for weapon.  It took about two decades to finally see this armor take its first flight.  Many tried, but Michael, a crippled ex-engineer/ex-pilot succesfully controled it.  Actually, the armor is keeping Michael alive after an accident, though it is not clear to me how the armor actually helped in sustaining his life.  Is it like Iron Man's arc reactor, which an eletromagnet kept a shrapnel away from his heart?

The main story was set in the Philippines in the late 90's, when robots walk the streets and the police squad wears armors with superguns?  (hmm, clearly it is not the same Philippines we are living right now, maybe an alternate one).  I like the thought that Bathala not only saves lives but he brings real hope to people by letting them know that he is like everyone else - just a human.

Later in the story, he was proved to be worthy of the godly power having a selfless heart and for that, was given a gift from the heaven, a sword.  Michael, without the armor or even his wheelchair, helpless, surprisingly was able to summon the sword.  (astig).  Learning the full potential of the armor, he had the armor heed his call while falling from the plane, and then transformed to Bathala. (wow).  He fights villains, like every hero does.

I like Jon's villains, there are not wholly evil. They were merely misled. They did bad thing for good reasons.  One villain is Zona, a corrupted war-goddess.  She inhabits the body of Azon, a crippled girl who loves his brother Dong.  (Zona/Azon, crippled, with a brother Dong?, hmm clearly inspired by Darna).  But unlike Narda, who needs to swallow a stone, Azon has an Amulet and she does not have to swallow it whole. She just have to chant some phrase just like Hal Jordan. (ayos).  She has this amazonian-built (like Diana/WonderWoman), and her mask reminds me of Volta's.  Azon fought with wicked Tree-folks? hmmm that is something I do not like, believing that trees are neutral beings.

I like how Jon Zamar tells the story.  Smooth-pacing.  Very well thought.  I like reading the dialogues, though, being written on ALL-CAPS, the word "PAF", got me confused for a while until I realized it refers to Philippine Air Force.  Could just have printed the word in bold letters or placed a little footnote.

Judd Abinuman's art is great. It didn't need too much details and background which really made me enjoy each page especially on the later half of issue #1.  I like how the panels were placed.


The production is very great.  From cover to back cover, I could say this is worth every peso I paid for it.  It has colored cover and back cover, although the interiors are in black & white.  But, with 80 pesos each issue, you will get an Indie Komiks with glossy pages, great prints, thick paper, plus a great experience reading a Komiks that will make you feel proud that it was Pinoy-made.

Overall, this is a great read.  I will eagerly wait and support every next issue.

-  Kristopher Dimaano Garello



You can also catch Bathala on Bayan Knights as a member of TronIX team.  You may also see a 2-page Bathala origin on Bayan Knights #4.

PATINTERO book 1 ni Kai Castillo


PATINTERO..  Sino magaakala na ang larong kinahumalingan ng mga batang 80's ay magiging inspirasyon sa pag-gawa ng komiks?

Si Kai Castillo lang ang tanging nakaisip ng concept na ganyan; reintroducing the sport using the medium of comics.  Very nice idea, lalo na with his style sa story telling at art.  Swak na swak sa mga kids ngayon.

Ang PATINTERO book 1 ay compilation ng single-issue komiks nyang Patintero from #1 to #6; may mga konting binago lang.  Ang napakahusay na cover ay drawing ni Mel Casipit.  Gustong-gusto ko yung pagkakulay, lalo na sa uniform/jersey (ngayon ko lang nalaman na Yellow pala kulay ng Philippine Eastern Suns).  Ganun pa man, sa tingin ko mas okay kung si Kai mismo ang nag-drawing ng cover gamit yung sarili nyang style na maraming kanto o kwadrado.  Yung tipong pag nakita sa shelves ng bookstores yung book, ma-identify agad "SI KAI ANG GUMAWA NYAN!!".  Just a thought.


The story is about the game PATINTERO (obvious ba?) but sa mundo ni Kai, isa syang international sport, ang La Liga Patintero.  Astig diba?.  Sa first parts ni-introduce nya ang players ng Philippine Eastern Suns.  Very interesting characters lalo na si Cid.  Nakaka-intriga talaga kase nawala agad sila sa eksena, hehe.. Hindi natin alam kung ano ang plan ni Kai for these characters kung kelan sila ulit lilitaw.  For now, punta tayo sa main character, si Owen, isang bulag na bata pero di naging hadlang ang kapansanan sa pagsagawa o pagtupad ng pangarap with the help of his friends.  Very inspiring....  Hangang dito lang muna baka makapagbigay ako ng major major spoilers. Bili nalang kayo ng copy, hehe.

Balik tayo sa book.  While reading PATINTERO book 1, nasa tabi ko rin ang PATINTERO issue #1 to #6. Di ko matiis i-kumpara e.  Napansin ko agad, sa single-issues meron palaging one-whole page foreword pero sa book, isang simpleng acknowledgement lang ang makikita.  Iyong foreword part kasi ang gustong gusto ko sa komiks ni Kai.  Nilalagay nya dun yung inspirations nya, yun pangarap nya, yun goals nya, at kung anu pang mga bagay na masarap basahin kase nakaka-inspire talaga ng readers.  Napansin ko rin na halos buong issue #1 or first few pages ng book ay ginuhit ulit with very few changes naman.   Meron lang scene/panels na sana di tinanggal kase malaking part yun ng character ni Owen:


Yan ang first time na pinamalas ni Owen skills nya; wala yan sa book.  Binago rin yung mukha ni Warner. Pinahaba yun baba (chin) kaso di sya consistent kase sa ibang pages makikita na yung baba nya, flat parin.  Sa dialogue naman may konting-konting pagbabago lang tulad nung tungkol sa patintero field na "nag-iisa lang sa buong bansa", which will contradict later parts ng story kaya dapat lang baguhin.  Super like ko yung Clipboard portion kung saan tinalakay lahat tungkol sa Patintero, about the rules, sa field, even the uniform. Very informative!  Talagang pinag-isipan ni Kai ang mga detalye ng laro.

Sa kabuuan, mula sa kwento, sa pagkaguhit, hanggang sa production - napakahusay!  Mga ganitong komiks ang kelangan natin ngayon.  Yung komiks na magandang ipabasa sa kabataan, kapupulutan ng aral, at talagang maipagmamalaking gawang pinoy.  Mabuhay ka, Kai!

- Kristopher Dimaano Garello

Sunday, November 11, 2012

Komikon Comics Creation Entries ni Mel Casipit



Ang komiks na ito ni Mel Casipit ay compilation ng mga isinali nyang gawa sa mga contest ng Komikon (at Summer Komikon) mula 2008 at 2009. Kumbaga, tatlong award-winning titles sa isang komiks lang. Astig di ba?

Baboy

Lagi kong ini-imagine kung ano kaya ang reaksyon ng mga judges nung una nilang makita itong entry nato sa comics creation contest. First time ni Mel sumali that time nung ginawa nya ang Baboy. Sigurado ako na sobrang bumilib sila sa bagitong si Mel Casipit. 

Artwise kasi, very raw, very gritty at very detailed ang approach ni Mel sa book na ito. Ramdam mo yung galit at lungkot ng main character kahit na walang dialogue ang buong story. Mahusay din ang panelling lalo na sa mga flashback scenes. Plus very strategic yung paggamit nya ng mga sound effects.

Gusto ko yung art style na gamit ni Mel dito. Bihira na nga lang makita ngayon sa mga bago nyang projects. Sabagay, nag-evolve na sya as an artist plus karamihan sa mga ginagawa nya lately e hindi kasing dark ng Baboy. Kahit na yung mismong sequel ng Baboy, medyo iba na yung style na gamit ni Mel. Sana magkaron ulit sya ng future title na babagay ulit sa ganiton ka-edgy na art style.

Eto yung paborito kong page ng Baboy. Lalo yung panel 2. Very dramatic!


Dog Style (Istilong Maaso)

Title pa lang, may kapilyuhan na. Pero wag ka! Very wholesome ang kuwento na to. Tungkol ito sa dalawang aso na sina Van (as in “Vantay”) at Honey. Ang kulit ng mga dialogue ni Mel rito. May soundtrack pa. Parang John Lloyd at Bea lang ahaha! Tawa ako nang tawa sa page na ito:

Bigla kong naalala yung pakiramdam ko nung grade 1 tuwing nakikita ko yung crush ko haha!

Kumpara sa Baboy, ibang-iba ang tirada ni Mel rito para sa art. Malinis at cartoony. Sarap nga sana kung full color e.

MLU (Madramang Lambingan sa Umaga)

Gaya ng Baboy, silent comic din ang MLU. Gaya ng Dog Style, love story ito tungkol sa isang “secret admirer” na nagging “knight in shining armor” (or “damsel in distress” ata hahaha!). Nakakatuwa yung delivery ni Mel sa story. Sobrang cute. Pati artstyle, cute din. Medyo similar sa Lucky Coin. Ang nagustuhan ko rito sa MLU, very expressive ang mga facial expression.

On a side note, mukhang mahilig si Mel sa buwan (as in moon). Bukod kasi sa cover, meron ding tig-isang panel na naka-highlight ang buwan bawat isa sa tatlong stories. Heheh.. Wala lang, napansin ko lang.   

Hanapin nyo si Mel sa mga convention. Available pa rin itong komiks nato sa table nya. Sabihin nyo sya na ni-rekomenda ko ito. Malay nyo, bigyan nya kayo ng discount haha!

- Mark Rosario

Thursday, November 8, 2012

Mga KOMIKS ni Carlo Valenzuela


Idol ko yang si Carlo Valenzuela dahil mabait sya sa mga fans nya. Naks, may fan base na sya! Natutuwa ako kase di nya nakakalimutan magpasalamat sa mga supporters and readers nya sa mga afterword nya. Minsan may freebies pa sya tulad ng CubeeCraft template ni Boy Bakal o yun Kanin Komiks nya nun FCBD. One time, binigyan pa nya ako ng Stick Boy keychain for FREE nun bumili ako ng komiks nya. Pag napapadaan ako sa table nya sa con, full of energy nya ikekwento sayo about dun sa paninda nyang komiks pati keychains. Then he will gladly sign yun komiks. May kasama pang APIR!

At dahil dyan, sa unang pagakakataon, magsusulat ako ng review.

ANG BUMBILYANG ITIM #1
"Isang araw dito sa sementeryong ito kung saan nagtatrabaho ang ating bida... at ang ating bida ay nagtatrabaho sa gabi dito sa sementeryong ito bilang sepulturero... eto si Evin, isang batang sepulturero."
Iyan ang panimula. Medyo nahilo ako dun sa pagbabasa ng sentences na yan. Parang paulit-ulit lang.

Pero di nakakahilo ang kwento. Walang paligoy ligoy. Di nakakalito ang mga panel.

Kaso yun drawing, parang gawa ng elementary yun mga kalaban, which I know sadya kasi compare sa main characters, maayos naman lalo na yun white lady (galing talaga mag-drawing ni Carlo pag babae).  Mahusay rin yung pagkaguhit ng tae na may mukha (anCute).  Napansin ko rin ang typographical errors. Daming word na kulang sa letter o mga wrong spelling.

"Green Lantern" Pinoy-version.  Chosen One-type of hero na binigyan ng power. Pero sa story, bracelet ang binigay hindi ring tulad kay Hal Jordan. Medyo malabo lang kung bakit sya ang napili.

Astigin yun nakalaban nyang "Brasorero" si Jay Kowlero.  Dami kong tawa. Laki kase ng braso kaso right arm lang. Bakit kaya? Haha!!

Sa last page pinakita yun next nyang makakalaban.  Abangan daw kaso two years ko na sya inaabangan, wala pa rin yung #2.  Hanggang kelan ako mag-aabang?


BOY BAKAL #1 to #5

Noong napadaan ako sa table nya nun 2010, kiniwento nya yung tungkol sa komiks nyang si Boy Bakal.  Hmmm... Iron Man na Pinoy.  Sobrang walang dating sakin neto. Bukod sa di ko trip si IronMan, dahil na rin medyo narurumihan ako tignan yun print ng cover. Parang nagtatae ng ink yun photocopy machine na ginamit.  Buti yun mga later issues better printing na lalo pa nang ginawang colored cover. (Apir!! Bigtym na)

Spoof nga sya ni Iron Man.  Pero ang ating bida ay di tulad ni Stark.  Si Rayan ay isa lang bata na may-ari ng junk shop.  Yun plot ng first chapter ng issue #1 ay di mapagkakailang hango sa origin ni Iron Man - may abduction, discovery, transformation, sacrifice, and then escape.

Sa mga sumunod na chapter, pinakilala yun arch-enemy nya. Medyo hawig nya, iba lang ang eye-glasses at damit.  Actually, yung napansin ko, magkakamukha mga drawing ni Jebs ng lalake. Naiiba lang ang hawi o gulo ng buhok.

Balik sa story, kakalabanin nya ang mga pinaka-nakakadiring supervillain sa history ng komiks tulad nila GigaShet, ShawarMan, MegaLangot, at Black Bihon.  Di ko na sila ide-describe. Basta kadiri sila. Gamitin nalang ang imagination.  Iba talaga ang talino ni CarloJebs sa pag-isip ng mga kalaban ng ating bida, napaka-wholesome. Kahit kung pano nya sila tatalunin, witty rin. Tulad nung ginawa ni Boy Bakal kay Kulite, napa-"oo nga noh" ako. Very smart move from Boy Bakal.  Kahit si Tony Stark, di maiisip yun.

Napansin ko rin na through the issues, nag-iimprove talaga yung drawing nya. Luminis. Dumadami yun detalye. Lalo pag babae na naka-swimsuit ang iguguhit. The best yun pagkaguhit sa eksena kung saan natalsikan ng egg white sa mukha si Mahya ng C.M. shot 69 gun.  Pang hentai ang dating.

Nakakairita lang talaga magbasa ng Jejemon na sulat sa ibang chapter. Buti yung ibang parts, naisipan nya lagyan ng subtitles.  Yun mga gay dialogue naman, ayus sakin. Parang natural na natural lang kay Carlo.  Noticeable pa rin yun mga typographical errors, pero wala namang kaso yun, di naman nakasira sa kagandahan ng kwento.

Etong series na to ang siguradong susubaybayan ko all the way.  Naiintriga na nga ako sa mga bago nyang kalaban na sina BOY LATA at KALAWANG BAKAL.  Matinding sagupaan ng mga armor at helmet ang mangyayari.


STICK BOY
"I don't need 6 pack abs and hard muscles to be a superhero."
Ang una kong napansin ay ang pagiging English ng dialogue, which is a big surprise.  Then ang names ng characters na Bryan & Mia, parang Rayan & Mahya lang ng Boy Bakal. Parang ni-recycle lang.

Sa lahat ng gawa nya, eto ang sobrang nagustuhan ko.  Super relate ako lalo na nung binu-bully sya dahil payatot sya. Pero di naman ako tulad nya na tinatangay ng hangin sa kapayatan.  Kwela yung costume nya na kelangan naka-magnifying glass pa para makita yun superhero logo nya. Parang ang sarap nyang i-cosplay.


BIRDIE KID #1

Tulad ng Stick Boy, tungkol rin ito sa pagtupad ng pangarap.  Madaming lessons dito na mapupulot pero di parin sya pwede sa mga bata.

Nagsimula yun page na nakatayo si Birdie Kid sa taas ng building....
"Ako si Birdie Kid.. at eto ang aking storya"
Super like that opening.  Subrang astigin ang dateng.  Meron pa akong gustong line:
"Basta! Lagi mo lang isipin na kaya mo lumipad at ika'y lilipad."
Panalo.  Isa kang henyo, Carlo!

Ayus rin yung may reference tungkol sa mga komiks na Lipad ni Omeng, Estrella ni Jeri Barios. Napansin ko rin ang poster ni Hero ni Omeng at Midknight ni Ron Tan sa background.

Sobrang kwela kung pano ni Birdie Kid iligtas yun gurl tapos may sumigaw ng "TIGASIN KA, BIRDIE!!!!" wahahahaha dami ko tawa.  Aabangan ko ang magiging laban nina BOY SUPOT at ang TIGASING si Birdie Kid.


KANIN KOMIKS #1 & #2

Libre nyang pinamigay nun FCBD 2012.  Tungkol ito sa adventures nina Tae at Kulangot, pati nila Luga at Plema.  Si Carlo lang yata ang taong nakaka-isip bigyan ng buhay ang mga nkakadiring bagay, as in nabigyan nya ng buhay.  Ang cute nung nag-apir sina Tae at Kulangot, biglang nagkaroon sila ng kamay, haha.  Ang kulit rin nung argument nina Luga at Plema, kaya pla "supot" si luga kase "tinutule" LOL.


ALAPAAP:  THE GANGSTER ADVENTURE #1

Bata ulit ang bida at meron na namang mga bata na-kidnap, pero di tulad ng iba nyang bida na dumidipende sa kaninlang armor o weapons, ang ating bida ay talagang may skills, mala-Naruto ang fighting-scenes.... at higit sa lahat, puro sya kayabangan.

Mabilis lang ang kwento, parang introduction lang ng bida... tapos.. hehe.


PINOY TOTOY: PI-TOTOY #1 & #2

At syempre ang unang mapapansin ang napakahusay na cover na gawa nila Amos Villar at Mel Casipit.  Sobrang gusto ko yun style na parang yun mga cartoon nila Captain America na napapanood ko nun ako ay bata pa. Napakaganda ng kulay. Talagang nag-improve ang production ng komiks ni Carlo na dati photocopied at maruming tignan ang cover, ngayong bongang-bonga na... APIR!! IDOL!

Punta tayo sa kwento.  Parang pareho lang sya ni Boy Bakal, pero si Captain America naman ang version.  Yun villains halos pareho lang din, kadiri, mabaho, matigas, mabuhok, etc.  At tulad din ni Boy Bakal, matatalo ang mga kalaban gamit ang talino.

Pero di tulad ng Boy Bakal na hinango talaga yun origin kay Iron Man, ang pinagmulan naman ni Pi-Totoy ay talagang original.

Ang ating bida ay isang simpleng bata na gustong maging katulad nila Kalayaan, Manila Man, Sandata, etc.  Dahil lang sa kanyang purong bravery and pagnanais makatulong sa kapwa naging superhero sya; superhero na walang super powers.  At dahil dun, maganda sana itong maging komiks na dapat basahin ng kabataan, kaso lang dami images ng kabastusan at yun mga names derived sa mga kalaswaan.  Sayang.

Natuwa ako sa guest appearance ni Rayan/Boy Bakal.  I am expecting to see more na pagsasama nila.  Sa issue #2 ayus yun nag team-up sila labanan yun Bagyong Wannabe. Kaso bat bitin? Sadya ba yun?.  I hope to see more.

Gustong gusto ko sa mga gawa ni Carlo ay kung pano nya paglaruan un mga dialogue.  Sa Boy Bakal nadala ako nun mga Jejemon at gay language. Dito naman, yung hipster na conyo. Napapangiti ako habang binabasa ko sila. Mukhang tanga lang kase, at mukha rin akong tanga kase minsan napapamonologue ako habang nagbabasa.

Sa kabuuan, sobrang nagustuhan ko ang mga gawa ni Carlo at patuloy kong susubaybayan lahat ng gawa nya.  Sana sa near future gumawa sya ng mga komiks na pambata. Maganda kase yung mga ideas nya. May sense at lesson, kaya lang may kabastusan.

- Kristopher Dimaano Garello