Sunday, November 11, 2012

Komikon Comics Creation Entries ni Mel Casipit



Ang komiks na ito ni Mel Casipit ay compilation ng mga isinali nyang gawa sa mga contest ng Komikon (at Summer Komikon) mula 2008 at 2009. Kumbaga, tatlong award-winning titles sa isang komiks lang. Astig di ba?

Baboy

Lagi kong ini-imagine kung ano kaya ang reaksyon ng mga judges nung una nilang makita itong entry nato sa comics creation contest. First time ni Mel sumali that time nung ginawa nya ang Baboy. Sigurado ako na sobrang bumilib sila sa bagitong si Mel Casipit. 

Artwise kasi, very raw, very gritty at very detailed ang approach ni Mel sa book na ito. Ramdam mo yung galit at lungkot ng main character kahit na walang dialogue ang buong story. Mahusay din ang panelling lalo na sa mga flashback scenes. Plus very strategic yung paggamit nya ng mga sound effects.

Gusto ko yung art style na gamit ni Mel dito. Bihira na nga lang makita ngayon sa mga bago nyang projects. Sabagay, nag-evolve na sya as an artist plus karamihan sa mga ginagawa nya lately e hindi kasing dark ng Baboy. Kahit na yung mismong sequel ng Baboy, medyo iba na yung style na gamit ni Mel. Sana magkaron ulit sya ng future title na babagay ulit sa ganiton ka-edgy na art style.

Eto yung paborito kong page ng Baboy. Lalo yung panel 2. Very dramatic!


Dog Style (Istilong Maaso)

Title pa lang, may kapilyuhan na. Pero wag ka! Very wholesome ang kuwento na to. Tungkol ito sa dalawang aso na sina Van (as in “Vantay”) at Honey. Ang kulit ng mga dialogue ni Mel rito. May soundtrack pa. Parang John Lloyd at Bea lang ahaha! Tawa ako nang tawa sa page na ito:

Bigla kong naalala yung pakiramdam ko nung grade 1 tuwing nakikita ko yung crush ko haha!

Kumpara sa Baboy, ibang-iba ang tirada ni Mel rito para sa art. Malinis at cartoony. Sarap nga sana kung full color e.

MLU (Madramang Lambingan sa Umaga)

Gaya ng Baboy, silent comic din ang MLU. Gaya ng Dog Style, love story ito tungkol sa isang “secret admirer” na nagging “knight in shining armor” (or “damsel in distress” ata hahaha!). Nakakatuwa yung delivery ni Mel sa story. Sobrang cute. Pati artstyle, cute din. Medyo similar sa Lucky Coin. Ang nagustuhan ko rito sa MLU, very expressive ang mga facial expression.

On a side note, mukhang mahilig si Mel sa buwan (as in moon). Bukod kasi sa cover, meron ding tig-isang panel na naka-highlight ang buwan bawat isa sa tatlong stories. Heheh.. Wala lang, napansin ko lang.   

Hanapin nyo si Mel sa mga convention. Available pa rin itong komiks nato sa table nya. Sabihin nyo sya na ni-rekomenda ko ito. Malay nyo, bigyan nya kayo ng discount haha!

- Mark Rosario

No comments:

Post a Comment