Saturday, November 24, 2012

SULSI #1 to #2 by Ronzkie Pacho-Vidal (Ikos Komiks)



For just seeing the cover, matutuwa ka na agad sa mga cute na characters, pano pa kaya pag nabasa mo na ang kwento nila.

Yan ang naisip ko, kaya isa to sa iilan na komiks na I always like to share sa mga katrabaho ko.  As expected, nagustuhan ng mga bumasa.

Tungkol eto sa adventure ng mga Ragdoll para sagipin ang kaibigan nilang si Aw-haw (dog ragdoll) mula sa mga aso sa bahay na bato.

Awwww ang cute nun first pages.  Feeling ko nanonood ako ng movie.  Very effective yun images.  Ang galing nun sequence ng eksena.  Very expressive yun mga face nila.  Buhay na buhay.  But, matapos ang nakaka-aliw na pages, talagang napa-isip ako, bakit sila nahulog mula sa langit?  saan sila nagmula?  bakit tinangay si Aw-haw?
Hmmm.  Ayun wala na si Aw-haw.  Eto na ang kadramahan ng mga bida.  kelangan nila hanapin at iligtas ang nawawalang kaibigan.

Sobrang likeable yun tatlong character na Ragdoll na ipinangalan sa mga kulay, si Asul (blue), si Pula (red), at si Lila (purple).  Bawat isa meron distinct personality.  Meron rin extra page para sa character reference.  Most remarkable sa characters ay si Asul.  Hindi sya makasarili.  Gagawin nya lahat para sa kaibigan.  Hindi sya nawawalan ng pag-asa.  Buo ang loob.

Pero hindi sya ang favorite ko hehe.  Mas gusto ko kase si Lila.  Sya ang pinaka-expressive.  Kitang kita mo sa kanya kung takot sya dahil sa aso, o masaya sya dahil sa magandang sapatos, o malungkot sya dahil tingin nya di na nila makikita si Aw-haw.

Isang malaking tanong.  Pano sila nagkaroon ng buhay?  Sa dalawang issues na yan, kahit pahaging lang, walang trace kung ano origin nila.  Nakaka-intriga.  Tulad ba sila ng Ragdolls sa animated movie na "9" na may taong nilagay ang soul nya sa ragdolls, o ng Bayan Knight na si Lito na isang pagkatao ng katutubong mandirigma?  o sadyang hulog lang sila mula sa langit?

Napakahusay ng pagkagawa ng komiks na to, talagang pinag-isipan at hindi minadali.  Gustong gusto ko yun mga dialogue ng characters, meron distinction bawat isa.  Parang sarap gawing bedtime story sa mga bata.  Tulad nun sinabi ko sa itaas, parang sarap panoorin yun unang scene bilang animated cartoon, nai-imagine ko ang reaction ng mga batang manonood, nagsisigawan; anKyut.  Grabe rin ang details sa drawing ni Ronzkie, mula sa bawat balahibo ng ibon, hanggang sa bawat  hibla ng buhok ni Lila at sumbrero ni Asul, panalo.

Wala ako masyado masabi... Basta sobrang nagustuhan ko tong komiks ni Ronzkie, bukod pa sa ibang naggagandahang titles mula sa Ikos Komiks tulad ng Karit, Ang Hinirang Haku-Haku, Dalawang Liham, Pitumput-pitong Puting Balahibo ng Pusa, atbp.

I suggest na kitakitz tayo sa mga convention at dumaan sa booth nila.  Bili tayo ng Komiks, di tayo magsisisi.


- Kristopher Dimaano Garello

No comments:

Post a Comment