Si Kai Castillo lang ang tanging nakaisip ng concept na ganyan; reintroducing the sport using the medium of comics. Very nice idea, lalo na with his style sa story telling at art. Swak na swak sa mga kids ngayon.
Ang PATINTERO book 1 ay compilation ng single-issue komiks nyang Patintero from #1 to #6; may mga konting binago lang. Ang napakahusay na cover ay drawing ni Mel Casipit. Gustong-gusto ko yung pagkakulay, lalo na sa uniform/jersey (ngayon ko lang nalaman na Yellow pala kulay ng Philippine Eastern Suns). Ganun pa man, sa tingin ko mas okay kung si Kai mismo ang nag-drawing ng cover gamit yung sarili nyang style na maraming kanto o kwadrado. Yung tipong pag nakita sa shelves ng bookstores yung book, ma-identify agad "SI KAI ANG GUMAWA NYAN!!". Just a thought.
The story is about the game PATINTERO (obvious ba?) but sa mundo ni Kai, isa syang international sport, ang La Liga Patintero. Astig diba?. Sa first parts ni-introduce nya ang players ng Philippine Eastern Suns. Very interesting characters lalo na si Cid. Nakaka-intriga talaga kase nawala agad sila sa eksena, hehe.. Hindi natin alam kung ano ang plan ni Kai for these characters kung kelan sila ulit lilitaw. For now, punta tayo sa main character, si Owen, isang bulag na bata pero di naging hadlang ang kapansanan sa pagsagawa o pagtupad ng pangarap with the help of his friends. Very inspiring.... Hangang dito lang muna baka makapagbigay ako ng major major spoilers. Bili nalang kayo ng copy, hehe.
Balik tayo sa book. While reading PATINTERO book 1, nasa tabi ko rin ang PATINTERO issue #1 to #6. Di ko matiis i-kumpara e. Napansin ko agad, sa single-issues meron palaging one-whole page foreword pero sa book, isang simpleng acknowledgement lang ang makikita. Iyong foreword part kasi ang gustong gusto ko sa komiks ni Kai. Nilalagay nya dun yung inspirations nya, yun pangarap nya, yun goals nya, at kung anu pang mga bagay na masarap basahin kase nakaka-inspire talaga ng readers. Napansin ko rin na halos buong issue #1 or first few pages ng book ay ginuhit ulit with very few changes naman. Meron lang scene/panels na sana di tinanggal kase malaking part yun ng character ni Owen:
Yan ang first time na pinamalas ni Owen skills nya; wala yan sa book. Binago rin yung mukha ni Warner. Pinahaba yun baba (chin) kaso di sya consistent kase sa ibang pages makikita na yung baba nya, flat parin. Sa dialogue naman may konting-konting pagbabago lang tulad nung tungkol sa patintero field na "nag-iisa lang sa buong bansa", which will contradict later parts ng story kaya dapat lang baguhin. Super like ko yung Clipboard portion kung saan tinalakay lahat tungkol sa Patintero, about the rules, sa field, even the uniform. Very informative! Talagang pinag-isipan ni Kai ang mga detalye ng laro.
Sa kabuuan, mula sa kwento, sa pagkaguhit, hanggang sa production - napakahusay! Mga ganitong komiks ang kelangan natin ngayon. Yung komiks na magandang ipabasa sa kabataan, kapupulutan ng aral, at talagang maipagmamalaking gawang pinoy. Mabuhay ka, Kai!
- Kristopher Dimaano Garello
great review of the Comics from a great blogger
ReplyDelete