Showing posts with label gilbert monsanto. Show all posts
Showing posts with label gilbert monsanto. Show all posts

Friday, February 8, 2013

Black Ink comics



Sa halagang 69.75 pesos, makakabili ka na ng 60-plus-page graphic novel na maipagmamalaking gawang pinoy... Sadyang napaka-attractive ng covers lalo na ng Hands of the Dragon mula kay Gilbert Monsanto at mga nakaka-intriga na titles tulad ng PEPE The Lost Years of Rizal.  Lakas rin ng dateng ng Shortcuts na may tatlong one-shot stories sa isang book lalo na yun Manga-themed (favorite ko yun The Tree of Happy Leaves)... Napakahusay ng pagkakasulat ng mga kwento, lalo na ng mga gawa ni Ron Mendoza na nilapatan ng kamaghamanghang drawing tulad ni Arnel Coronel... Remarkably, napakataas ng production value, mula sa glossy colored cover hanggang sa makapal ng paper and nice print ng interior pages (except, notable na some nun mga dialogue balloon sa Manga-Shortcuts, masyado nasa gilid towards sa binding kaya hirap basahin)... Bawat title ay distict sa iba.. may variations ang kwento.. Meron tungkol sa Super Humans, Angels, Kamatayan, Vampires, Animals, mga taong may malaking Mata, atbp.. Meron rin titles na Suitable for kids like yun kay PEPE o kaya yun Fairy-tails Shortcuts kahit twisted yun istorya (favorite ko yun Another Beauty and the Beast)... Plus factor rin yun sa inside-back-cover na may konting info about sa contributors (except, wala ganito sa Shortcuts).... Sulit-na-sulit... Damang dama ko ang puso ng Black Ink na hangad nila ibalik ang Komiks sa masa..

Lalo na nung...

August 2012, the first week ng release ng Animen #1 nila Ron Mendoza and Randy Valiente sa Precious Pages branches, tumataginting na 80% off promo agad ang regalo para sa mga bibili netoh... kaya around 14 pesos lang, masisimulan mo na ang kwento ng Anim na nilalang na mayAnimalistic na kapangyariahn, sila ang Animen...

October 27, 2012, Komikon, with the contributors, ni-launch na yun other books... Nakalatag sa table ang naggagandahang mga komiks mula sa mga contributors na handang pumirma at magpapicture...

January 2013, eto ang favorite kong promo nila... When you buy any Black Ink graphic novel from Precious Pages stores, you will get a PHR pocketbook worth 37 pesos of your choice ABSOLUTELY FREE!!!.... But wait, there's more... If you are one of the first participants of the promo, you can claim a Black Ink Baller, again, for free... da best toh..


With this promo, hindi lang mahihikayat ang comic readers na bumili ng Black Ink comics, mai-introduce rin sila sa pagbabasa ng romance pocketbooks...

 
Hitting two birds with one stone...

One thing rin na gusto ko sa ginawa ng Black Ink, ay yun My Midnight... Nice rin na nilabas nila yun tatlong book ng sabay sabay... With that, yun mga nakabasa ng PHR Gothic Romance My Midnight by Camilla, magiging interesado na bumili rin ng My Midnight graphic novel... Vice versa, tulad ko, after ko matapos yun graphic novel, di ko napigilan try basahin un novel (though hanggang ngayon di ko pa tapos basahin, busy).. It worked both sides... It will be nice na mag-adapt ulit sila ng romance novel to comics..


And recently, na-distribute na rin sa branches ng National Bookstores ang Black Ink comics.. Makikita sila sa mga Philippine Literature section o kaya sa mga corner shelves o sa New Releases table o kung di mo mahanap try mo inquire sa Customer Service... Ayan na, dahil dyan,  pang masa na talaga, may availability na kahit saan since ilan lang branches ng Precious Pages... Possible kaya na makita rin natin next time na nasa Top Ten bestseller Philippine Publication na ang Black Ink comics? Possible rin kaya na in the near future, magkaroon na ng halos sariling shelf/rack sa NBS ang Black Ink tulad ng sa Philippine Ghost Stories o yun mga book ng PSICOM? o kelan kaya magkakaroon ng Philippine Graphic Novel section sa NBS para sa Black Ink together with publications form Visprint and NBS and indie creators tulad ng sa Tagalog Romance section?

Hmmmm... pano kaya manyayari yun?... any idea?...  basta sa ngayon ang wish ko lang ay magtuloy-tuloy ang ginagawa ng Black Ink, sana wag mabitin yun mga kwento, nine to twelve books/issues each pa naman yun mga titles...

Samahan natin ang Black Ink sa pagbalik sa kamalayan ng masa ang mga comics na gawang pinoy...

- Kristopher Dimaano Garello

Black Ink comics are available at Precious pages and National Bookstore branches...

Tuesday, February 5, 2013

Hands of the Dragon nina Jeffrey Marcelino Ong at Gilbert Monsanto (Black Ink Comics)

Sa wakas, nakabili ako ng Hands of the Dragon ng Black Ink Comics. Matagal ko nang gustong makita to dahil interesting yung mga preview nila online. Gilbert Monsanto fanboy rin kasi ako mula pagkabata. Isa pa, gusto kong suportahan ang Black Ink para magpatuloy sila sa paggawa at pag-distribute ng comics.


Unang-una, ang ganda ng cover. Drawing at kulay ni Gilbert. Gustong-gusto ko yung pagkagawa. Hindi nakakasawang tignan hehe.. Tsaka kumpara sa mga ibang cover ng Black Ink, tingin ko ito ang pinaka-catchy sa lahat.


Si Jeffrey Marcelino Ong naman ang writer ng book. Ang Hands of the Dragon ay umiikot sa kwento ni Xian Long na leader ng Zodiac Circle at ng estudyanteng si Ella. Sa dulo, magku-krus ang landas nila sa hindi inaasahang pamamaraan. English ang gamit ni Jeffrey sa book. Okay yung concept nya sa story. Nakakawiling basahin. Smooth yung pacing at transition. May tendency nga lang syang maging wordy at merong ilang pages na feeling ko, pwede namang wordless kagaya nito:

Gaya ng sabi ko kanina, si Gilbert Monsanto ang artist pero hindi sya nag-iisa rito. Tinulungan sya nina Renie Palo at Erico Calimlim (gray tones at effects) para mas gumanda ang black-and-white interior pages. Nakakatuwa rin kasi hindi ito gaya ng mga usual superhero stories na ginagawa ni Gilbert. Dito, mga dragon, leon, agila, at kung ano-ano pa ang dino-drowing nya. Napansin ko nga lang, hindi masyadong kasing detailed yung mga dragon nya rito kumpara sa gawa nya run sa Hellsword. Well, sabagay 64 pages kasi itong Hands of the Dragon at 16 pages lang yung sa Hellsword.

Page 11 ng Hellsword #1
All in all, nagustuhan ko ang Hands of the Dragon although admittedly, nabitin ako talaga. Tapos napailing na lang ako nung nakita kong Book 1 of 12 pala ito. Ibig sabihin, mahaba-habang bakbakan pa pala bago mabuo ang kwento. Gusto ko nang mabasa ang next issue agad hahaha!!

Gaya ng ibang comics ng Black Ink, P69.75 lang ang Hands of the Dragon.

Sobrang nakakatuwa itong ginagawa ng Black Ink. Affordable graphic novels na available nationwide sa National Book Store at Precious Pages stores. Susuportahan ko ito at iisa-isahin ko ang titles nila. Sana magtuloy-tuloy ito ng maraming-maraming taon pa. More power and more comics, Team Black Ink!


- Mark Rosario

Monday, December 31, 2012

What a Wonderful Year it has been

A great comic artist had died.  A comic book shop in Cubao just closed.  A comic convention has just been rebranded.  And an issue of Komiks being dead.  And here, I will be saying that it is very much alive and 2012 is a wonderful year for Komiks.

I got so many reasons why I said so.... and these were some..



Pitumput Pitong Puting Balahibo ng Pusa by Ikos Komiks
 
Manila Aftermath by T-Phase
This year, we saw promising talents form T-phase, Ikos, Catch, Happy Lockjaw, Rawwr, Ang Gerilya,  etc.

Zombinoy by Pelikomiks
 
Crime-Fighting Call Center Agents by AJ Bernardo and Noel Pascual
Instant favorites like Zombinoy and Crime-fighting Call Center Agents released three issues within the year.


We also had seen Gilbert Monsanto's new Rise of the Demigods (Leather, Eros, Alakdan, Hellsword) titles.
 
Carlo Valenzuela

Rommel Estanislao
 Carlo and Omeng introduces their new heroes Pi-Totoy and Bruho Barbero.


Maktan 1521, Mark 9 verse 47, Gwapoman 2000, Patintero, Mukat, Ang Morion are now on TPB.


The first part of the much awaited new Zsa Zsa Zaturnnah book is now bookstores.


NBS had just published Ignacio and Sta. Maria's Skyworld.


Indies like Kalayaan, Anak Bathala, Anak ng Tupang Itim, etc hitting the shelves of NBS.

Budjette Tan and Kajo Baldisimo
Budj and Kajo's Trese constantly being a bestseller.

Manix Abrera signing Kikomachine Komix
 Manix having long lines of fans.

Summit Media had just published Kwentillion.


Tiktik: The Aswang Chronicles comic book adaptation of the movie of the same title.



Black Ink comics are now being sold on Precious Pages Bookstores.

Me beside my favorite section on Comic Odyssey... The Indie Komiks shelves..
Comic Odyssey, Planet X, Comicxhub, etc helps promoting indie komiks.


Komikon got bigger and bigger.  We are seeing Komiks characters being cosplayed at GTMACCon.  Conventions outside metromanila were held in Baguio, Ilo-ilo, etc.

 
AZTIG Calender by Rommel Estanislao
 The Industry might be strugling.. But the Komik community is very much alive and will continue to get better in the coming years...

Happy New Year sa ating lahat...

- Kristopher Dimaano Garello

Monday, November 19, 2012

ANG ASTIGING BOY IPIS: BIGATIN by Paul Michael Ignacio


Si Boy Ipis ang isa sa mga pinakakaabangan ko sa Bayan Knights kaya nung nabasa ko somewhere na Boy Ipis will be rebooted, napa-WTF ako.  Ang pagkaintindi ko kase sa "reboot" e yung parang sa computer na mawawala lahat ng lumang files.  Ibig ba sabihin neto ay di na natin makikita ang kalalabasan ng laban nila ni Turbo Rat?  O di naba mahahanap ng Boy Ipis alter ego ang kanyang pag-ibig?.

Naintriga tuloy ako.

Kaya nung binili ko eto nung Komikon 2012, tinanong ko agad kay Paul Michael Ignacio kung itutuloy pa ba yun series nila ni Gilbert Monsanto tungkol kay Turbo Rat na two years ko na inaabangan.  Good news.  Sabi nya, yup itutuloy at malapit na ilabas yung #3.   Woohooo!  At later that night may nabasa ako somewhere ulit na dapat ire-release na rin yun #3 dun sa event kaso lang parang di yata natapos ni Ignacio yun letters sa issue.

Ayun, so if you are expecting to see Boy Ipis fight along side other Bayan Knights like Phantom Cat and Gwapoman, sorry to disappoint you, ibang Boy Ipis ang masasaksihan natin dito.

Marty Pototoy is a 14-year-old "not-so-average" teenager from Baliwag, Bulacan who is studying at Adobo Academy.

What!!! Tama, ang ating bida ay isang bata.  Isang tipikal na magaaral na pumapasok sa eskwelahan, bumabagsak sa exams, nagkaka-crush sa classmates, at biktima ng school bullies.  Very unlikely na isa pala syang superhero.  Hindi in-born ang powers nya, hindi rin yun pagkaloob ng alien o ng dyos ng kung ano paman, at lalong hindi sya nakagat ng Ipis.  Aksidente lang ang lahat.  Isang malaking katangahan kung tutuusin hehe.  IPIS-VITAMIN na nakapagbigay sa kanya ng kakaibang kakayahan na tulad ng kay Spider-Man except di nya kaya maglambitin sa sapot.

Sa isang boring monotonous na araw sa Adobo Academy, nagkaroon ng reptile invasion.  Snakes, frogs, lizards, crocodiles, atbp.  Dito masusubukan ang kakayahan ni BOY IPIS.....

Sobrang na-enjoy ko ang komiks na to.  Maraming matututunan.  Tulad ng mga nice-to-know facts about sa Ipis, elephant, and reptiles.  Nagustuhan ko rin yung quotable quote from Leo Tolstoy.
"A man is like a fraction whose numerator is what he is and whose denominator is what he thinks of himself.  The larger the denominator, the smaller the fraction."
Pero ang talagang lesson na magugustuhan ng lahat ng readers ay yung istorya ni Dok Biggs.  How his life changed.  At yun mga payo nya kay Marty:
"Never give up..... Try harder.  Don't you lose hope.  If you succeed, good.  But if you fail, let it be.  That's when true learning starts.  Good and bad things will happen.  Oh, they will.  But you'll never know the outcome if you quit...."
Very inspiring.

Super like ko rin yun modification sa costume ni Boy Ipis.  Nakakatuwa yun boots nya.  Parang naka-Gwantes yun Toes nya.  Siguro GwanToes ang tawag dun.

Ang isang bagay lang na medyo di ko nagustuhan sa kwento, ay yung part na pinapatay ng reptiles yun students, school personnel, and police.  Nagkalat ang dugo.  Nagtatalsikan ang mga paa at kamay.  Nilamon ng buong buo ang ulo.  I am glad hindi colored yung pages.  With that and given na maraming image ng nakakatakot na reptile, talagang hindi sya pede pabasa sa kids. Nightmare ang aabutin ng mga bata.  Just a thought.

Sa art naman, gustong gusto ko ang tirada ni Mike, bagay na bagay sa story.  Very expressive yung faces.  Nakatulong rin yun mga sound-effects tulad ng "CHOMP" and "CRUNCH" habang kinakain ni Reptullo yung mga ulo ng police. Very effective.  Astigin rin yung style ng panel-border para sa backstory ni Dok Biggs.  Sa ibang komiks kase, napansin ko nakakalito. Same kase yun gamit na borders ng backstory and main story.  Salamat rin at naglagay si Mike ng ARROW sa mga nakakalitong sequence ng panels.  Nakakatuwa rin malaman na humingi sya ng help with his fellow Bayan Knights sa inking (Wan Mananita and Renie Palo).  Yan ang gusto ko sa Bayan Knights (We are One), nagtutulungan.

Overall, panalo tong Komiks ni Mike.  Sobrang nagustuhan ko sya (except sa "Crunch" sound effect").  Ito pala ay Special Komikon 2012 exclusive, parang teaser lang ng upcoming graphic novel na ilalabas nya sa Summer Komikon 2013, I recommend na magpa-reserve na tayo ng copy.  Siguradong magiging crowd-favorite 'to.  Syempre suportahan rin natin ang Boy Ipis #3 (BK tie-in) sa Summer Komikon at ang mga future projects ni Mike.

- Kristopher Dimaano Garello