Sunday, November 18, 2012

Indie Komiks Preview: Kalayaan #14 ni Gio Paredes


Nagulat at natuwa ako sa cover ng Kalayaan #14 ni Gio Paredes.

"Huwaw! Totoo ba to? Kalayaan at Adoboverse crossover? Asteeg!"

Kakaiba talaga si Gio. Pagkatapos ng matinding love story (issues 9 to 12) at malupit na bakbakan (issue 13), eto naman ang ihahain nya sa atin. Very unpredictable talaga ang direction ng komiks nya.

According kay Gio, cartoony ang artstyle na gagamitin nya rito. Nakatapos na nga raw sya ng 4 pages sa interiors tapos nasend na rin ni Bien Del Rosario (Adoboverse creator) sa kanya ang page 11. Exciting di ba? Plus interesting malaman kung pano magbe-blend ang story ni Kalayaan sa mundo ng Adoboverse. Actually, two years ago na raw mula nung nag-start sila ni Bien na planuhin tong crossover nato.

Aabangan ko to, for sure! Fan ako ni Kalayaan at matagal ko nang miss ang Adoboverse (naghihintay pa rin ako ng issue 3!). February 2013 daw ang release sabi ng cover.

Good luck sa inyong dalawa, Gio at Bien!

- Mark Rosario



4 comments:

  1. Unpredictable = Magulo ang utak. Hehehe :-)

    Actually, Catoony lang ang pag drawing ko sa mga Adoboverse characters, pero kay Kalayaan ay ordinary style ko pa rin na may pag ka western.
    Think of it like the movie 'Space Jam' na ginanapan ni Michael Jordan where he went to Loony Toons universe.

    -Gio

    ReplyDelete
  2. "Huwaw! Totoo ba to? Kalayaan at Adoboverse crossover? Asteeg!"

    Yan ang kagandahan sa creator owned/indie comics.
    I can do what ever I want with it. :-)

    ReplyDelete
  3. "Kakaiba talaga si Gio. Pagkatapos ng matinding love story (issues 9 to 12) at malupit na bakbakan (issue 13), eto naman ang ihahain nya sa atin. Very unpredictable talaga ang direction ng komiks nya."

    Actually, hindi pa ako na ngangalahati sa mga na release ko na. Marami pa akong mga kakaibang kwento na talagang magugulat ang mga readers. Wish me luck that I could publish many issues this coming year.

    Pasensya na at naparami comment ko dito. :-)

    ReplyDelete
  4. Salamat sa mga comment, Gio! Lalo kaming nae-excite sa komiks mo! :)

    - Markus

    ReplyDelete