Thursday, November 8, 2012

Mga KOMIKS ni Carlo Valenzuela


Idol ko yang si Carlo Valenzuela dahil mabait sya sa mga fans nya. Naks, may fan base na sya! Natutuwa ako kase di nya nakakalimutan magpasalamat sa mga supporters and readers nya sa mga afterword nya. Minsan may freebies pa sya tulad ng CubeeCraft template ni Boy Bakal o yun Kanin Komiks nya nun FCBD. One time, binigyan pa nya ako ng Stick Boy keychain for FREE nun bumili ako ng komiks nya. Pag napapadaan ako sa table nya sa con, full of energy nya ikekwento sayo about dun sa paninda nyang komiks pati keychains. Then he will gladly sign yun komiks. May kasama pang APIR!

At dahil dyan, sa unang pagakakataon, magsusulat ako ng review.

ANG BUMBILYANG ITIM #1
"Isang araw dito sa sementeryong ito kung saan nagtatrabaho ang ating bida... at ang ating bida ay nagtatrabaho sa gabi dito sa sementeryong ito bilang sepulturero... eto si Evin, isang batang sepulturero."
Iyan ang panimula. Medyo nahilo ako dun sa pagbabasa ng sentences na yan. Parang paulit-ulit lang.

Pero di nakakahilo ang kwento. Walang paligoy ligoy. Di nakakalito ang mga panel.

Kaso yun drawing, parang gawa ng elementary yun mga kalaban, which I know sadya kasi compare sa main characters, maayos naman lalo na yun white lady (galing talaga mag-drawing ni Carlo pag babae).  Mahusay rin yung pagkaguhit ng tae na may mukha (anCute).  Napansin ko rin ang typographical errors. Daming word na kulang sa letter o mga wrong spelling.

"Green Lantern" Pinoy-version.  Chosen One-type of hero na binigyan ng power. Pero sa story, bracelet ang binigay hindi ring tulad kay Hal Jordan. Medyo malabo lang kung bakit sya ang napili.

Astigin yun nakalaban nyang "Brasorero" si Jay Kowlero.  Dami kong tawa. Laki kase ng braso kaso right arm lang. Bakit kaya? Haha!!

Sa last page pinakita yun next nyang makakalaban.  Abangan daw kaso two years ko na sya inaabangan, wala pa rin yung #2.  Hanggang kelan ako mag-aabang?


BOY BAKAL #1 to #5

Noong napadaan ako sa table nya nun 2010, kiniwento nya yung tungkol sa komiks nyang si Boy Bakal.  Hmmm... Iron Man na Pinoy.  Sobrang walang dating sakin neto. Bukod sa di ko trip si IronMan, dahil na rin medyo narurumihan ako tignan yun print ng cover. Parang nagtatae ng ink yun photocopy machine na ginamit.  Buti yun mga later issues better printing na lalo pa nang ginawang colored cover. (Apir!! Bigtym na)

Spoof nga sya ni Iron Man.  Pero ang ating bida ay di tulad ni Stark.  Si Rayan ay isa lang bata na may-ari ng junk shop.  Yun plot ng first chapter ng issue #1 ay di mapagkakailang hango sa origin ni Iron Man - may abduction, discovery, transformation, sacrifice, and then escape.

Sa mga sumunod na chapter, pinakilala yun arch-enemy nya. Medyo hawig nya, iba lang ang eye-glasses at damit.  Actually, yung napansin ko, magkakamukha mga drawing ni Jebs ng lalake. Naiiba lang ang hawi o gulo ng buhok.

Balik sa story, kakalabanin nya ang mga pinaka-nakakadiring supervillain sa history ng komiks tulad nila GigaShet, ShawarMan, MegaLangot, at Black Bihon.  Di ko na sila ide-describe. Basta kadiri sila. Gamitin nalang ang imagination.  Iba talaga ang talino ni CarloJebs sa pag-isip ng mga kalaban ng ating bida, napaka-wholesome. Kahit kung pano nya sila tatalunin, witty rin. Tulad nung ginawa ni Boy Bakal kay Kulite, napa-"oo nga noh" ako. Very smart move from Boy Bakal.  Kahit si Tony Stark, di maiisip yun.

Napansin ko rin na through the issues, nag-iimprove talaga yung drawing nya. Luminis. Dumadami yun detalye. Lalo pag babae na naka-swimsuit ang iguguhit. The best yun pagkaguhit sa eksena kung saan natalsikan ng egg white sa mukha si Mahya ng C.M. shot 69 gun.  Pang hentai ang dating.

Nakakairita lang talaga magbasa ng Jejemon na sulat sa ibang chapter. Buti yung ibang parts, naisipan nya lagyan ng subtitles.  Yun mga gay dialogue naman, ayus sakin. Parang natural na natural lang kay Carlo.  Noticeable pa rin yun mga typographical errors, pero wala namang kaso yun, di naman nakasira sa kagandahan ng kwento.

Etong series na to ang siguradong susubaybayan ko all the way.  Naiintriga na nga ako sa mga bago nyang kalaban na sina BOY LATA at KALAWANG BAKAL.  Matinding sagupaan ng mga armor at helmet ang mangyayari.


STICK BOY
"I don't need 6 pack abs and hard muscles to be a superhero."
Ang una kong napansin ay ang pagiging English ng dialogue, which is a big surprise.  Then ang names ng characters na Bryan & Mia, parang Rayan & Mahya lang ng Boy Bakal. Parang ni-recycle lang.

Sa lahat ng gawa nya, eto ang sobrang nagustuhan ko.  Super relate ako lalo na nung binu-bully sya dahil payatot sya. Pero di naman ako tulad nya na tinatangay ng hangin sa kapayatan.  Kwela yung costume nya na kelangan naka-magnifying glass pa para makita yun superhero logo nya. Parang ang sarap nyang i-cosplay.


BIRDIE KID #1

Tulad ng Stick Boy, tungkol rin ito sa pagtupad ng pangarap.  Madaming lessons dito na mapupulot pero di parin sya pwede sa mga bata.

Nagsimula yun page na nakatayo si Birdie Kid sa taas ng building....
"Ako si Birdie Kid.. at eto ang aking storya"
Super like that opening.  Subrang astigin ang dateng.  Meron pa akong gustong line:
"Basta! Lagi mo lang isipin na kaya mo lumipad at ika'y lilipad."
Panalo.  Isa kang henyo, Carlo!

Ayus rin yung may reference tungkol sa mga komiks na Lipad ni Omeng, Estrella ni Jeri Barios. Napansin ko rin ang poster ni Hero ni Omeng at Midknight ni Ron Tan sa background.

Sobrang kwela kung pano ni Birdie Kid iligtas yun gurl tapos may sumigaw ng "TIGASIN KA, BIRDIE!!!!" wahahahaha dami ko tawa.  Aabangan ko ang magiging laban nina BOY SUPOT at ang TIGASING si Birdie Kid.


KANIN KOMIKS #1 & #2

Libre nyang pinamigay nun FCBD 2012.  Tungkol ito sa adventures nina Tae at Kulangot, pati nila Luga at Plema.  Si Carlo lang yata ang taong nakaka-isip bigyan ng buhay ang mga nkakadiring bagay, as in nabigyan nya ng buhay.  Ang cute nung nag-apir sina Tae at Kulangot, biglang nagkaroon sila ng kamay, haha.  Ang kulit rin nung argument nina Luga at Plema, kaya pla "supot" si luga kase "tinutule" LOL.


ALAPAAP:  THE GANGSTER ADVENTURE #1

Bata ulit ang bida at meron na namang mga bata na-kidnap, pero di tulad ng iba nyang bida na dumidipende sa kaninlang armor o weapons, ang ating bida ay talagang may skills, mala-Naruto ang fighting-scenes.... at higit sa lahat, puro sya kayabangan.

Mabilis lang ang kwento, parang introduction lang ng bida... tapos.. hehe.


PINOY TOTOY: PI-TOTOY #1 & #2

At syempre ang unang mapapansin ang napakahusay na cover na gawa nila Amos Villar at Mel Casipit.  Sobrang gusto ko yun style na parang yun mga cartoon nila Captain America na napapanood ko nun ako ay bata pa. Napakaganda ng kulay. Talagang nag-improve ang production ng komiks ni Carlo na dati photocopied at maruming tignan ang cover, ngayong bongang-bonga na... APIR!! IDOL!

Punta tayo sa kwento.  Parang pareho lang sya ni Boy Bakal, pero si Captain America naman ang version.  Yun villains halos pareho lang din, kadiri, mabaho, matigas, mabuhok, etc.  At tulad din ni Boy Bakal, matatalo ang mga kalaban gamit ang talino.

Pero di tulad ng Boy Bakal na hinango talaga yun origin kay Iron Man, ang pinagmulan naman ni Pi-Totoy ay talagang original.

Ang ating bida ay isang simpleng bata na gustong maging katulad nila Kalayaan, Manila Man, Sandata, etc.  Dahil lang sa kanyang purong bravery and pagnanais makatulong sa kapwa naging superhero sya; superhero na walang super powers.  At dahil dun, maganda sana itong maging komiks na dapat basahin ng kabataan, kaso lang dami images ng kabastusan at yun mga names derived sa mga kalaswaan.  Sayang.

Natuwa ako sa guest appearance ni Rayan/Boy Bakal.  I am expecting to see more na pagsasama nila.  Sa issue #2 ayus yun nag team-up sila labanan yun Bagyong Wannabe. Kaso bat bitin? Sadya ba yun?.  I hope to see more.

Gustong gusto ko sa mga gawa ni Carlo ay kung pano nya paglaruan un mga dialogue.  Sa Boy Bakal nadala ako nun mga Jejemon at gay language. Dito naman, yung hipster na conyo. Napapangiti ako habang binabasa ko sila. Mukhang tanga lang kase, at mukha rin akong tanga kase minsan napapamonologue ako habang nagbabasa.

Sa kabuuan, sobrang nagustuhan ko ang mga gawa ni Carlo at patuloy kong susubaybayan lahat ng gawa nya.  Sana sa near future gumawa sya ng mga komiks na pambata. Maganda kase yung mga ideas nya. May sense at lesson, kaya lang may kabastusan.

- Kristopher Dimaano Garello

2 comments: