Ano ang gagawin mo kung isang umaga magising ka, at malaman mo na katapusan na pala ng mundo? Ang malala pa dun, wala sa tabi mo ang pinaka-mamahal mo - si Labs.
Gaya nga ng sabi sa title, tungkol to sa "end-of-the-world." Ang araw kung saan naglalabasan ang mga demonyo mula sa impyerno at umuulan ng mga bolang apoy mula sa kalangitan. Nakakatakot? Pero sa komiks na to, kwelang isinabuhay ang pinaka-nakakatakot na hinaharap.
Imagine mo, hinahabol ka ng mga demonyong ganito ang hitsura.
Maraming beses akong tumawa sa komiks na to. Nakakaaliw ang mga banat. Ang facial expresions, panalo. Nakakatuwa ang mga eksena.
Pero napaisip ako, paano nga kaya kung magyari yun? Handa ba ako makipaglaban sa mga demonyo para lang mahanap ang aking Labs.
"Ganito pala magwakas ang mundo, nakakawalang gana; Boring, mas exciting kasi siguro kung kasama ka."Sa likod ng mga nakakatuwang drawing ni Wilvic, may mabigat palang istorya si TinApie. Istorya ng tunay na pagmamahal. Yun tipong para sa iba ay isang malaking kahibangan lang. Yun handa mo ibigay ang lahat sa ngalan ng pag-ibig. Kahit ikamatay mo pa. Kahit pinagtatawanan ka lang ng mga demonyo?... BWAHAHAHA!
Hmmm. Ang masasabi ko lang, panalo tong komiks na to. Mula sa kwento (na based dun sa tula na nasa later page) hanggang sa style ng pagkadrawing. Walang masyado dialogue. Tamang-tama ang pacing. Kahit nakakatawa yun drawing, damang dama ko parin yun trill, bumibilis ang tibok ng puso ko sa action scenes. At sobrang natuwa ako sa ending (awww ang cute) Tunay na ang pag-ibig ay makapangyarihan. Bonus pa yung napaka-gandang tula ni Kuligma (di ko alam kung sino sya) na pinagbasehan ng kwento; pati narin yun extra page ng sketches/study nun characters. Lalo ko naapreciate tong komiks dahil dun.
Isa lang to sa magagandang gawa ng Salimpusa, tulad ng Miles, The Never-Ending-Urk, Unwanted, Tales of Whiz, etc. Visit their booth tuwing Komikon, mababait yan mga yan.
- Kristopher Dimaano Garello
..hi,salamat sa review..
ReplyDeletebuti at natuwa ka sa komiks namin!
nakakatuwa kasi may naka appreciate ng gawa ko..hehe..salamt ulit.daan ka sa booth namin next time. kwentuhan tayo..:)
hi!! thanks po sa review :-D natuwa naman ako na natuwa ka (inception!!) basahin mo kami ulit! :-D
ReplyDeletehello po... Salamat rin sir at maam... Kitakits ulit sa booth nyo.. Palaging kayong may bago kaya di nakakasawa.. Sana meron na The Never-Ending-Urk..hehe
ReplyDelete- Topher
..nabasa ko ulit ngayon 'tong review mo sir, salamat ulit :D
ReplyDelete