Showing posts with label Rommel Omeng Estanislao. Show all posts
Showing posts with label Rommel Omeng Estanislao. Show all posts

Thursday, April 18, 2013

Summer Komikon 2013 Report

Eto yung report ko sa Summer Komikon as a fan and attendee.. Nagsulat rin ako ng maikling entry sa kabilang blog ko tungkol naman sa experience ko as a first time seller (ni-launch ko nga pala yung My Wife Is Pregnant comics sa event na ito).

Photo credits: Robin Rivero
Dumating kami nina Joy at baby Yuri sa Bayanihan Center around 10:30 am. Hardcore na yung pila that time. Abot na hanggang labas. Buti na lang nakapasok din kami agad. Pagpasok na pagpasok, si Omeng (Estanislao) agad ang nasalubong namin. Natuwa naman ako at may freebie agad kami haha! Binigyan nya kami ng kopya nung Summer Komikon situational cartoon nya. Sobrang ganda! Kasama kami nina Joy at Yuri sa poster. Papa-frame namin to for sure hehe!


Isa sa mga una kong binili e yung pinaka-aabangan kong Bake Mono High ni Elbert Or. Nakikita ko na dati yung sa K-Zone eh. Isa pa, sobrang fan ako ng artsyle ni Elbert. Bukod sa ma-entertain, isa sa purpose kaya ako bumili ng Bake Mono e para pag-aralan yung style nya haha! Masaya bumili kasi kasabay ko si Bien Del Rosario ng AdoboVerse. Kwentuhan kami tungkol sa komiks nya (na sobrang miss ko na rin). Try daw nya mag-release ng bago sa Indieket. Nice!


Maya-maya pa, nakita ko na yung dalawang komiks buddies ko na sina Danry at Kristopher. Sa wakas, nahawakan ko rin ang Batch 72 from Danry haha.. Kay Kris naman e yung Andong Agimat, Animen at FCBD Comics ng Comic Odyssey. Ansaya talaga pag merong kaswap ng komiks sa Kon.

Ikot-ikot pa. Tingin-tingin din. Si Joy, bumili rin ng komiks nya. Love Letter ni Reylee (Perti Ba Comics). Manga. Mukhang cute din hehe.. Ako, maya-maya pa e meron na rin akong Liga ni Likeman #1, Lakan at Makisig #3, Espiritista #1, Jacara Zar #2 tsaka yung colored giveaway sa Storylark table na "I Hate Mornings." Lupet, glossy ehehe! Astig din yung pinamigay ni Jon Zamar na Next Issue Anthology preview (na inabot ni Kris sa kin hehe). Very interesting! Anime ang tema. May mga time slot pa!

Isa sa mga highlight para sa kin e yung nakapagpa-sign ako ng Bully Saurus Rex kay Robert Magnuson. Lagi ko kasing binabasa yung book na yun kay Yuri mula pa nung 3 months old sya. Pinapirma ko para matuwa si baby pag laki nya. Ambait ni Robert. Kakawili kausap. Kaka-starstruck nga lang hahaha!


Well, siguro yung pinaka-highlight sa lahat e yung wedding proposal on stage. Antindi ni Omeng. Lalo ko syang naging idol. Rakistang-rakista haha! Nangako syang "ipaglalaba, ipagluluto at ipamamalantsa" si Ails. Ang naisagot na lang ni Ails (na halos hindi tumigil kakaiyak) eh "I want to spend the rest of my life with you." Woohoo! Sigawan ang lahat. Ako naman, maluha-luha kahit malayo kami sa stage (that time, ni hindi ko nga alam na sina Omeng at Ails yun). Basta natuwa lang ako para sa kanila. Sana sa Summer Komikon din sila mag-reception in the future hehehe...

Overall, sobrang saya nung Summer Komikon. Na-observe ko lang, sobrang daming tao. As in sobra! Kelangan na kayang lumipat sa mas malaking venue?.. Tsaka nga pala.. Natuwa ako na libre ang entrance ng mga bata hanggag 12 noon. Sana laging ganyan. Mas maganda nga kung permamente na at kung whole day. Para mas maraming bata na ma-hook sa pagbabasa ng komiks. Para mas lumaganap pa at maipasa sa susunod na generation yung hobby ng comics reading

 Salamat, Komikon, sa isang malupit na event. Salamat din, 7-11, para sa  Slurpee at sa mga The Hobbit cups ninyong puro Gollum naman haha! Oks lang libre naman :p


- Mark Rosario


Saturday, February 23, 2013

LOVE STORY: Love is Such a Headache, Pain, and Suffering by Rommel Estanislao



SPOILER ALERT


Nanyari na ba sa buhay mo nang makatagpo ka ng taong sobrang mahal mo, na handa kang gawin ang lahat makasama lang sya.  Ang nagbibigay sayo ng lakas at inspirasyon to be a better man.  Ang nagbibigay ng tamis sa iyong mga ngiti.  Ang Muffin ng Puso mo.

Lahat lahat ibinigay mo na.  Handa kang gawin ang lahat para sa kanya....

Paano kung...

Wala ka palang halaga para sa kanya.  Lahat ng efforts at sacrifices mo ay binabalewala.  Ikaw ay handa nyang ipagpalit sa iba.  Unfair diba...


Wag sayangin ang panahon sa pagkalumbay.  Muka ka nang timang na umaasa maibabalik ang tamis ng nakalipas na pag-ibig.  Dahil dyan nabulagan ka na.  Wag ka ngang tanga.  Hindi mo na pansin na may mga tao sa paligid mo kaya kang mahalin ng tunay.


The one who would love you at your worst.  Ang magbibigay sayo ng liwanag at direksyon.  Yung aahon sayo mula sa pagkalugmok.  Yung muling tatahi sa punit pinit mong Puso.  Ang kukumpleto sa pagkatao mo.



Kalimutan na si Muffin, hayaan mo na syang amagin sa piling ng iba.  Mas liligaya ka kasama ang taong alam mo na pinapahalagahan ka.  Sasamahan ka sa iyong mundo.  Kapiling mo sa mga kabaliwan.  At hindi ka magagawang iwanan.

Natagpuan mo na ba ang Star ng Puso mo?





- Kristopher Dimaano Garello


Visit Rommel "Omeng" Estanislao's table this Summer Komikon April 13, 2013 with his Komiks and other artworks.  Malay mo, doon sa Komikon mo matagpuan ang magiging Star ng Puso mo.


Monday, December 31, 2012

What a Wonderful Year it has been

A great comic artist had died.  A comic book shop in Cubao just closed.  A comic convention has just been rebranded.  And an issue of Komiks being dead.  And here, I will be saying that it is very much alive and 2012 is a wonderful year for Komiks.

I got so many reasons why I said so.... and these were some..



Pitumput Pitong Puting Balahibo ng Pusa by Ikos Komiks
 
Manila Aftermath by T-Phase
This year, we saw promising talents form T-phase, Ikos, Catch, Happy Lockjaw, Rawwr, Ang Gerilya,  etc.

Zombinoy by Pelikomiks
 
Crime-Fighting Call Center Agents by AJ Bernardo and Noel Pascual
Instant favorites like Zombinoy and Crime-fighting Call Center Agents released three issues within the year.


We also had seen Gilbert Monsanto's new Rise of the Demigods (Leather, Eros, Alakdan, Hellsword) titles.
 
Carlo Valenzuela

Rommel Estanislao
 Carlo and Omeng introduces their new heroes Pi-Totoy and Bruho Barbero.


Maktan 1521, Mark 9 verse 47, Gwapoman 2000, Patintero, Mukat, Ang Morion are now on TPB.


The first part of the much awaited new Zsa Zsa Zaturnnah book is now bookstores.


NBS had just published Ignacio and Sta. Maria's Skyworld.


Indies like Kalayaan, Anak Bathala, Anak ng Tupang Itim, etc hitting the shelves of NBS.

Budjette Tan and Kajo Baldisimo
Budj and Kajo's Trese constantly being a bestseller.

Manix Abrera signing Kikomachine Komix
 Manix having long lines of fans.

Summit Media had just published Kwentillion.


Tiktik: The Aswang Chronicles comic book adaptation of the movie of the same title.



Black Ink comics are now being sold on Precious Pages Bookstores.

Me beside my favorite section on Comic Odyssey... The Indie Komiks shelves..
Comic Odyssey, Planet X, Comicxhub, etc helps promoting indie komiks.


Komikon got bigger and bigger.  We are seeing Komiks characters being cosplayed at GTMACCon.  Conventions outside metromanila were held in Baguio, Ilo-ilo, etc.

 
AZTIG Calender by Rommel Estanislao
 The Industry might be strugling.. But the Komik community is very much alive and will continue to get better in the coming years...

Happy New Year sa ating lahat...

- Kristopher Dimaano Garello

Wednesday, November 21, 2012

Anak ng Tupang Itim ni Rommel Estanislao


Matagal ko nang gustong mabasa yung mga ibang gawa ni Rommel “Omeng” Estanislao. Lipad pa lang kasi ang meron ako. Binigyan nya ako ng kopya nung una ko syang nakilala sa Metro Comic Con. Eventually, nakabili rin ako ng Sulyap Anthology kaso Lipad rin ang kasama dun.

Buti na lang, ni-release ng Onward Publishing House ang compilation ng Anak ng Tupang Itim. Tuwang-tuwa ako nung available na ito sa National Book Store kaya binili ko agad. Somehow, iba yung saya ko pag nakakakita ako ng mga indie komiks na naka-display sa NBS. Nationwide distribution ang isa sa mga hurdles ng industriya sa ngayon at dahil sa mga publishing companies na gaya ng Onward, nabibigyan ng tsansa na makarating sa mas maraming readers ang mga magagandang komiks gaya nito.

Gaya ng sabi ko kanina, compilation itong book na ito. Napapaloob rito ang tatlong issues na ni-release na ni Omeng dati sa Komikon 2007 at 2010.  Ayon sa decription nya sa Tupang Itim Facebook page, “social and political satire” ang komiks na ito.

Kakaiba ang humor ni Omeng. Mahusay ang delivery. Yung iba, simpleng wordplay lang pero karamihan, mabigat ang mensahe. Sa unang chapter, nagustuhan ko yung Sign Boards, 7 Deadly Sins, at Leader Sheep. Natawa ako ng malakas run sa Sleeping Habit 1 and 2. Laugh trip din yung Carousel at Labada. Digital art ang gamit ni Omeng sa chapter 1 kaya mostly sa mga gawa nya rito, pang-wallpaper ang dating.  

Eto yung sinasabi kong Leader Sheep: 


Ganda, diba? Simple lang pero very symbolic at meaningful.

Artwise, nag-traditional naman si Omeng sa chapters 2 and 3, meaning pencil and ink ang ginamit nya. Plus pinaghalo na nya talaga ang words at drawings para maiparating yung mga mensahe nya. Kumbaga, mas komiks. Mas nagusuhan ko.

Sa chapter 2 (“Love Your Neighbor”), inupakan ni Omeng yung ilan sa mga masamang ugali ng Pinoy gaya ng pagiging inggetero, pambubulahaw sa kapitbahay gamit ang videoke, pagiging pintasero, at marami pang iba.

Enjoy naman yung chapter 3 (“Halo Halo Espesyal!”). Kung gusto mong makita sina Wolverine, Hulk, Ghost Rider, Flash, Superman, Human Torch at Magneto na Tupa version, ito na ang pagkakataon mo hehehe! Tapos may cameo pa si Bruho Barbero. Kaaliw! Pero gaya sa mga unang chapter, meron pa ring ilang mabigat na komentaryo si Omeng rito lalo na yung tungkol sa Idolatry na somehow, possible na maging offensive sa ilang mambabasa (well, depende na lang siguro kung ano ang religion at pananaw mo).


Overall, isa lang ang masasabi ko: matindi si Omeng. Ibang level.  Nagawa nyang mailagay nya yung Tupang Itim sa iba’t-ibang nakakaaliw at thought-provoking na mga sitwasyon. Cute at nakakatawa pero may aral.

Sana i-release din ng Onward yung iba pang mga gawa ni Omeng, lalo yung Love Story at Bruho Barbero. At sana maraming komiks readers na bumili nitong pocket-sized komiks na ito. 85 pesos lang! Available sa lahat ng NBS outlets. Sulit na sulit. Pramis!


- Mark Rosario

= = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = =  = 

Same thoughts lang kami ni Mark.  Konting dagdag lang ako.

Pocket-sized comics (kung malaki ang bulsa mo). Naalala ko dati nung pumunta ako sa isang tindahan sa Cubao Expo (namimiss ko na ang Sputnik). Naghahanap ako ng mga gawa ni Omeng. Tinanong ko kung nasan yung Anak ng Tupang Itim.  Ayun, nandun lang pala. Di ko napansin kase maliit.  Wala kase ako idea na maliit lang yun, hehe.


At ngayon, yun maliit na indie komiks na yun, Big time na ngayon.  Makikita na sya sa shelves ng National Bookstore.  WoooHoooo!!!..  Making a Big difference!

Eto ang favorite ko.  Leader Sheep 2/Lost Sheep:  Simple, pero talagang umukit sa puso ko. "You cannot lead if you are lost."  Napa-reflect ako rito.  Dami ko realization.... Sa apat na sheep na yan, hanggang ngayon tinitimbang ko parin kung sino ako, lahat kase nakaka-relate ako e. Awwww.
Isa pa sa notable para sakin ay yung IDOLATRY.  Gaya rin ng sabi ni Mark, some people might find it offensive.  Risky.  Well.....
 
Blah blah blah blah blah blah black black sheep...




- Kristopher Dimaano Garello