Monday, November 12, 2012

KALAYAAN volume 1 ni Gio Paredes


Si Kalayaan ay una kong nakita sa pages ng Bayan Knights #2.  Isa sya sa mga member ng Powerhouse Division, na may mala-superman na power.  Sunod ko sya na-encounter sa Sulyap anthology, featuring Kalayan #1.
Fast forward!

Sa National Bookstore ko nabili tong book ni Gio Paredes.  Akalain mo yun? Isang indie komiks na nasa bookstore (sobrang dedicated talaga ni Gio sa mga gawa nya.  Pagkaka-alam ko sya pa mismo nagdadala ng Kalayan sa National Bookstore)?  Sana dumami ang indie creators na tulad nya.


Balik sa book.

Ang Kalayaan volume 1 ay collected edition ng single-issues #1 to #4 ng Kalayaan, plus some materials na makikita sa #0.  Sa simula, di ko nagustuhan ang komiks na to.  Nag-eexpect kasi ako na Pinoy na Pinoy ang makikita ko.  Dahil siguro sa mga kalaban nya na parang walang bakas ng pagiging Pinoy ang hitsura lalo na yung mga name nila (Blood Fang, Die-Cut, and Vorgon); foreign na foreign.  Pero sa mga sumunod na chapter, sobrang nagustuhan ko na ang takbo ng kwento.  Lalo nung talagang pinakita sa kwento ang kultura ng Pilipinas.  Mula sa pagiging matulungin sa kapwa, hanggang sa pagmamahal sa pamilya na mahusay na inilapat sa mga pahina ng komiks.  Pinakita rin sa kwento ang mga isyu sa Pinas tulad ng kahirapan, edukasyon, politika, justice system, atbp.  At ang inaakala kong super lakas na Kalayaan, meron palang tinatagong kahinaan.

Sa pag-usad ng kwento, marami nabubunyag tungkol sa pagkatao ng ating bida, bilang John Dela Vega, ang alter-ego ni Kalayaan.  Isinabuhay nya ang isang typical na Pinoy na biktima ng kahirapan na naghahangad ng pagbabago.  Dahil sa magandang loob at tapang, sya ang napili na maging test-subject sa project Kalayaan.  Bilang isang Kalayaan, na may natatanging lakas, sa tulong ng genetic enhancement at high-tech na damit at sandata, nagawa nyang maging bayani ng mga Pinoy.  Dahil sa pagkakamali ng kalaban na nag-aakala na mapapatay ang ating bida sa kanilang paraan, si Kalayaan ay nagtaglay pa ng mas higit na lakas na magagamit nya para magagapi ang kalaban, ngunit may nag-aabang ng kapalit...

Tulad ng nasabi ko na, di ko muna nagustuhan ang Kalayaan, ayoko kasi sa superhumans e.  Pero iba si Kalayaan. Sobrang likeable yun character dahil sa napakahusay na pagsusulat ni Gio.  Hindi sya yung superhero comics na puro bakbakan na nakalimutan na nila pahalagahan yun personal na kwento ng character.  Sobrang ayos yung backstory. Talagang na-introduce yun character ni John dela Vega, na nilapatan pa ng pagguhit ni Gio. Damang-dama ko ang bawat emosyon, ang bawat luha ni Kalayaan.  Si Kalayaan, ang superhero na iyakin.  Sobrang nakakalungkot yun ending ng volume 1, apektado ako...

Sa kabuuan, sobrang na-enjoy ko tong volume #1 kaya sinigurado kong lahat ng susunod pang issue ay susubaybayan ko.  Di nagkamali si Gio na bigyan ng Bandila-inspired costume si Kalayaan, sya talaga ang NEW PINOY SUPERHERO.

- Kristopher Dimaano Garello


Ang Kalayaan volume 1 ay mabibili sa maraming branches ng National Bookstore, Bestseller, at Comic Odyssey sa halagang 180 pesos lang, sulit na sulit..  Currently, meron nang 13 issues ang Kalayaan na maari mabili sa Comic Odyssey sa halagang 60 pesos.  Maari nyo rin sila mabili personally kay Gio tuwing may comic conventions, pede pa kayo pa-autograph o pa-picture.

No comments:

Post a Comment