Wednesday, November 21, 2012

Anak ng Tupang Itim ni Rommel Estanislao


Matagal ko nang gustong mabasa yung mga ibang gawa ni Rommel “Omeng” Estanislao. Lipad pa lang kasi ang meron ako. Binigyan nya ako ng kopya nung una ko syang nakilala sa Metro Comic Con. Eventually, nakabili rin ako ng Sulyap Anthology kaso Lipad rin ang kasama dun.

Buti na lang, ni-release ng Onward Publishing House ang compilation ng Anak ng Tupang Itim. Tuwang-tuwa ako nung available na ito sa National Book Store kaya binili ko agad. Somehow, iba yung saya ko pag nakakakita ako ng mga indie komiks na naka-display sa NBS. Nationwide distribution ang isa sa mga hurdles ng industriya sa ngayon at dahil sa mga publishing companies na gaya ng Onward, nabibigyan ng tsansa na makarating sa mas maraming readers ang mga magagandang komiks gaya nito.

Gaya ng sabi ko kanina, compilation itong book na ito. Napapaloob rito ang tatlong issues na ni-release na ni Omeng dati sa Komikon 2007 at 2010.  Ayon sa decription nya sa Tupang Itim Facebook page, “social and political satire” ang komiks na ito.

Kakaiba ang humor ni Omeng. Mahusay ang delivery. Yung iba, simpleng wordplay lang pero karamihan, mabigat ang mensahe. Sa unang chapter, nagustuhan ko yung Sign Boards, 7 Deadly Sins, at Leader Sheep. Natawa ako ng malakas run sa Sleeping Habit 1 and 2. Laugh trip din yung Carousel at Labada. Digital art ang gamit ni Omeng sa chapter 1 kaya mostly sa mga gawa nya rito, pang-wallpaper ang dating.  

Eto yung sinasabi kong Leader Sheep: 


Ganda, diba? Simple lang pero very symbolic at meaningful.

Artwise, nag-traditional naman si Omeng sa chapters 2 and 3, meaning pencil and ink ang ginamit nya. Plus pinaghalo na nya talaga ang words at drawings para maiparating yung mga mensahe nya. Kumbaga, mas komiks. Mas nagusuhan ko.

Sa chapter 2 (“Love Your Neighbor”), inupakan ni Omeng yung ilan sa mga masamang ugali ng Pinoy gaya ng pagiging inggetero, pambubulahaw sa kapitbahay gamit ang videoke, pagiging pintasero, at marami pang iba.

Enjoy naman yung chapter 3 (“Halo Halo Espesyal!”). Kung gusto mong makita sina Wolverine, Hulk, Ghost Rider, Flash, Superman, Human Torch at Magneto na Tupa version, ito na ang pagkakataon mo hehehe! Tapos may cameo pa si Bruho Barbero. Kaaliw! Pero gaya sa mga unang chapter, meron pa ring ilang mabigat na komentaryo si Omeng rito lalo na yung tungkol sa Idolatry na somehow, possible na maging offensive sa ilang mambabasa (well, depende na lang siguro kung ano ang religion at pananaw mo).


Overall, isa lang ang masasabi ko: matindi si Omeng. Ibang level.  Nagawa nyang mailagay nya yung Tupang Itim sa iba’t-ibang nakakaaliw at thought-provoking na mga sitwasyon. Cute at nakakatawa pero may aral.

Sana i-release din ng Onward yung iba pang mga gawa ni Omeng, lalo yung Love Story at Bruho Barbero. At sana maraming komiks readers na bumili nitong pocket-sized komiks na ito. 85 pesos lang! Available sa lahat ng NBS outlets. Sulit na sulit. Pramis!


- Mark Rosario

= = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = =  = 

Same thoughts lang kami ni Mark.  Konting dagdag lang ako.

Pocket-sized comics (kung malaki ang bulsa mo). Naalala ko dati nung pumunta ako sa isang tindahan sa Cubao Expo (namimiss ko na ang Sputnik). Naghahanap ako ng mga gawa ni Omeng. Tinanong ko kung nasan yung Anak ng Tupang Itim.  Ayun, nandun lang pala. Di ko napansin kase maliit.  Wala kase ako idea na maliit lang yun, hehe.


At ngayon, yun maliit na indie komiks na yun, Big time na ngayon.  Makikita na sya sa shelves ng National Bookstore.  WoooHoooo!!!..  Making a Big difference!

Eto ang favorite ko.  Leader Sheep 2/Lost Sheep:  Simple, pero talagang umukit sa puso ko. "You cannot lead if you are lost."  Napa-reflect ako rito.  Dami ko realization.... Sa apat na sheep na yan, hanggang ngayon tinitimbang ko parin kung sino ako, lahat kase nakaka-relate ako e. Awwww.
Isa pa sa notable para sakin ay yung IDOLATRY.  Gaya rin ng sabi ni Mark, some people might find it offensive.  Risky.  Well.....
 
Blah blah blah blah blah blah black black sheep...




- Kristopher Dimaano Garello

No comments:

Post a Comment