Si Boy Ipis ang isa sa mga pinakakaabangan ko sa Bayan Knights kaya nung nabasa ko somewhere na Boy Ipis will be rebooted, napa-WTF ako. Ang pagkaintindi ko kase sa "reboot" e yung parang sa computer na mawawala lahat ng lumang files. Ibig ba sabihin neto ay di na natin makikita ang kalalabasan ng laban nila ni Turbo Rat? O di naba mahahanap ng Boy Ipis alter ego ang kanyang pag-ibig?.
Naintriga tuloy ako.
Kaya nung binili ko eto nung Komikon 2012, tinanong ko agad kay Paul Michael Ignacio kung itutuloy pa ba yun series nila ni Gilbert Monsanto tungkol kay Turbo Rat na two years ko na inaabangan. Good news. Sabi nya, yup itutuloy at malapit na ilabas yung #3. Woohooo! At later that night may nabasa ako somewhere ulit na dapat ire-release na rin yun #3 dun sa event kaso lang parang di yata natapos ni Ignacio yun letters sa issue.
Ayun, so if you are expecting to see Boy Ipis fight along side other Bayan Knights like Phantom Cat and Gwapoman, sorry to disappoint you, ibang Boy Ipis ang masasaksihan natin dito.
Marty Pototoy is a 14-year-old "not-so-average" teenager from Baliwag, Bulacan who is studying at Adobo Academy.
What!!! Tama, ang ating bida ay isang bata. Isang tipikal na magaaral na pumapasok sa eskwelahan, bumabagsak sa exams, nagkaka-crush sa classmates, at biktima ng school bullies. Very unlikely na isa pala syang superhero. Hindi in-born ang powers nya, hindi rin yun pagkaloob ng alien o ng dyos ng kung ano paman, at lalong hindi sya nakagat ng Ipis. Aksidente lang ang lahat. Isang malaking katangahan kung tutuusin hehe. IPIS-VITAMIN na nakapagbigay sa kanya ng kakaibang kakayahan na tulad ng kay Spider-Man except di nya kaya maglambitin sa sapot.
Sa isang boring monotonous na araw sa Adobo Academy, nagkaroon ng reptile invasion. Snakes, frogs, lizards, crocodiles, atbp. Dito masusubukan ang kakayahan ni BOY IPIS.....
Sobrang na-enjoy ko ang komiks na to. Maraming matututunan. Tulad ng mga nice-to-know facts about sa Ipis, elephant, and reptiles. Nagustuhan ko rin yung quotable quote from Leo Tolstoy.
"A man is like a fraction whose numerator is what he is and whose denominator is what he thinks of himself. The larger the denominator, the smaller the fraction."Pero ang talagang lesson na magugustuhan ng lahat ng readers ay yung istorya ni Dok Biggs. How his life changed. At yun mga payo nya kay Marty:
"Never give up..... Try harder. Don't you lose hope. If you succeed, good. But if you fail, let it be. That's when true learning starts. Good and bad things will happen. Oh, they will. But you'll never know the outcome if you quit...."Very inspiring.
Super like ko rin yun modification sa costume ni Boy Ipis. Nakakatuwa yun boots nya. Parang naka-Gwantes yun Toes nya. Siguro GwanToes ang tawag dun.
Ang isang bagay lang na medyo di ko nagustuhan sa kwento, ay yung part na pinapatay ng reptiles yun students, school personnel, and police. Nagkalat ang dugo. Nagtatalsikan ang mga paa at kamay. Nilamon ng buong buo ang ulo. I am glad hindi colored yung pages. With that and given na maraming image ng nakakatakot na reptile, talagang hindi sya pede pabasa sa kids. Nightmare ang aabutin ng mga bata. Just a thought.
Sa art naman, gustong gusto ko ang tirada ni Mike, bagay na bagay sa story. Very expressive yung faces. Nakatulong rin yun mga sound-effects tulad ng "CHOMP" and "CRUNCH" habang kinakain ni Reptullo yung mga ulo ng police. Very effective. Astigin rin yung style ng panel-border para sa backstory ni Dok Biggs. Sa ibang komiks kase, napansin ko nakakalito. Same kase yun gamit na borders ng backstory and main story. Salamat rin at naglagay si Mike ng ARROW sa mga nakakalitong sequence ng panels. Nakakatuwa rin malaman na humingi sya ng help with his fellow Bayan Knights sa inking (Wan Mananita and Renie Palo). Yan ang gusto ko sa Bayan Knights (We are One), nagtutulungan.
Overall, panalo tong Komiks ni Mike. Sobrang nagustuhan ko sya (except sa "Crunch" sound effect"). Ito pala ay Special Komikon 2012 exclusive, parang teaser lang ng upcoming graphic novel na ilalabas nya sa Summer Komikon 2013, I recommend na magpa-reserve na tayo ng copy. Siguradong magiging crowd-favorite 'to. Syempre suportahan rin natin ang Boy Ipis #3 (BK tie-in) sa Summer Komikon at ang mga future projects ni Mike.
- Kristopher Dimaano Garello
No comments:
Post a Comment