SPOILER ALERT
Lahat lahat ibinigay mo na. Handa kang gawin ang lahat para sa kanya....
Paano kung...
Wala ka palang halaga para sa kanya. Lahat ng efforts at sacrifices mo ay binabalewala. Ikaw ay handa nyang ipagpalit sa iba. Unfair diba...
Wag sayangin ang panahon sa pagkalumbay. Muka ka nang timang na umaasa maibabalik ang tamis ng nakalipas na pag-ibig. Dahil dyan nabulagan ka na. Wag ka ngang tanga. Hindi mo na pansin na may mga tao sa paligid mo kaya kang mahalin ng tunay.
The one who would love you at your worst. Ang magbibigay sayo ng liwanag at direksyon. Yung aahon sayo mula sa pagkalugmok. Yung muling tatahi sa punit pinit mong Puso. Ang kukumpleto sa pagkatao mo.
Kalimutan na si Muffin, hayaan mo na syang amagin sa piling ng iba. Mas liligaya ka kasama ang taong alam mo na pinapahalagahan ka. Sasamahan ka sa iyong mundo. Kapiling mo sa mga kabaliwan. At hindi ka magagawang iwanan.
Natagpuan mo na ba ang Star ng Puso mo?
- Kristopher Dimaano Garello
No comments:
Post a Comment