Sa wakas, nakabili ako ng
Hands of the Dragon ng
Black Ink Comics. Matagal ko nang gustong makita to dahil interesting yung mga preview nila online.
Gilbert Monsanto fanboy rin kasi ako mula pagkabata. Isa pa, gusto kong suportahan ang Black Ink para magpatuloy sila sa paggawa at pag-distribute ng comics.
Unang-una, ang ganda ng cover. Drawing at kulay ni Gilbert. Gustong-gusto ko yung pagkagawa. Hindi nakakasawang tignan hehe.. Tsaka kumpara sa mga ibang cover ng Black Ink, tingin ko ito ang pinaka-catchy sa lahat.
Si
Jeffrey Marcelino Ong naman ang writer ng book. Ang Hands of the Dragon ay umiikot sa kwento ni
Xian Long na leader ng
Zodiac Circle at ng estudyanteng si
Ella. Sa dulo, magku-krus ang landas nila sa hindi inaasahang pamamaraan. English ang gamit ni Jeffrey sa book. Okay yung concept nya sa story. Nakakawiling basahin. Smoo
th yung pacing at transition. May tendency nga lang syang maging wordy at merong ilang pages na feeling ko, pwede namang wordless kagaya nito:
Gaya ng sabi ko kanina, si Gilbert Monsanto ang artist pero hindi sya nag-iisa rito. Tinulungan sya nina
Renie Palo at
Erico Calimlim (gray tones at effects) para mas gumanda ang black-and-white interior pages. Nakakatuwa rin kasi hindi ito gaya ng mga usual superhero stories na ginagawa ni Gilbert. Dito, mga dragon, leon, agila, at kung ano-ano pa ang dino-drowing nya. Napansin ko nga lang, hindi masyadong kasing detailed yung mga dragon nya rito kumpara sa gawa nya run sa
Hellsword. Well, sabagay 64 pages kasi itong Hands of the Dragon at 16 pages lang yung sa Hellsword.
|
Page 11 ng Hellsword #1 |
All in all, nagustuhan ko ang Hands of the Dragon although admittedly, nabitin ako talaga. Tapos napailing na lang ako nung nakita kong Book 1 of 12 pala ito. Ibig sabihin, mahaba-habang bakbakan pa pala bago mabuo ang kwento. Gusto ko nang mabasa ang next issue agad hahaha!!
Gaya ng ibang comics ng Black Ink,
P69.75 lang ang Hands of the Dragon.
Sobrang nakakatuwa itong ginagawa ng Black Ink. Affordable graphic novels na available nationwide sa
National Book Store at
Precious Pages stores. Susuportahan ko ito at iisa-isahin ko ang titles nila. Sana magtuloy-tuloy ito ng maraming-maraming taon pa. More power and more comics, Team Black Ink!
-
Mark Rosario