Showing posts with label Randy Valiente. Show all posts
Showing posts with label Randy Valiente. Show all posts

Saturday, March 2, 2013

MY MIDNIGHT

 

PHR Gothic Romance My Midnight by Camilla 


Di ako nahilig magbasa ng Tagalog Romance PocketBooks at hindi rin ako fan ng mga poging vampire tulad ng mga gawa ni Stephenie Meyer, pero nang mabasa ko tong gawa ni Camilla, naging instant fan nya ako.  Napakahusay ng pagkakagawa.  Maganda ang kwento, hindi predictable, maraming twist.  Sobrang na-enjoy ko ang pagbabasa lalo na pag nag-dedescribe sya ng details ng isang setting tulad nun sa underground church, o dun sa malaki nilang bahay, o dun sa adventure park; talagang mavi-visualize mo yun lugar at maglalakbay ang isip mo.  Gusto ko rin yun mala-Game Of Thrones na dateng ng kwento, may mga angkan, daming charaters; kung sino ang anak ni ano, sino magkakapatid, sino magkakamaganak; napagawa ako bigla ng geneology diagram para di ako malito sa relationships between characters.  Bawat isang character may important role, kahit yun mga katulong may twist; favorite ko yun kay Fermina.  Kaya lang sa dami ng characters, maraming beses na na-confuse ako, kelangan ko balikan yun paragraph para maintindihan ko kung sino yun tinutukoy ng pronoun na "siya" o "niya".  Na figure out ko nalang na most likely pag "siya" o "niya" ang nasa narration, it pertains sa main character.

Tulad nga ng sabi ko, di talaga ako nagbabasa ng mga pocketbooks o ng stories na ganito; pero sobrang nag-enjoy ako sa pagbabasa nito and actually considering My Sunset sa to-read-list ko.


BlackInk Comics My Midnight Graphic Novel written by Ron Medoza and illustrated by Randy Valiente


Written sya in English; well-written yun mga dialogues kaso naging less yun Kilig-effect kesa sa pagbinasa sa tagalog pocketbook.  Super like ko pano nila ni-present yun characters lalo na yun difference ng characters nila Yael and Bullet.  Kaya lang, napansin ko lang na bakit sa pocketbook maganda ang description kay Rasberry, pero dito muka syang bakla.  Yun first two books, tugmang tugma sa pocketbook lalo na yun sa prologue and story of King Vladimir, talagang binigyan ng buhay ng art ni Randy Valiente yun story.  Dun nga lang sa third, bumilis yun pacing, tingin ko meron mga important scenes sa story na dapat sinama dito sa graphic novel, and yun ending naiba yun eksena.  I think dapat naglaan pa ng extra pages for the final battle, parang kaseng lumabas na di man lang nahirapan tapusin nun main character yun kalaban, petiks lang sya.

Very nice tong ginawa ng BlackInk, na i-adapt ang wonderful Tagalog Romance story sa Graphic Novel format.  I hope gumawa pa sila ng mga ganito in the near future.  Salamat sa magandang Komiks.


- Kristopher Dimaano Garello


BlanInk comics are available at Precious Pages, National Bookstore, and Book Sale.

Friday, February 8, 2013

Black Ink comics



Sa halagang 69.75 pesos, makakabili ka na ng 60-plus-page graphic novel na maipagmamalaking gawang pinoy... Sadyang napaka-attractive ng covers lalo na ng Hands of the Dragon mula kay Gilbert Monsanto at mga nakaka-intriga na titles tulad ng PEPE The Lost Years of Rizal.  Lakas rin ng dateng ng Shortcuts na may tatlong one-shot stories sa isang book lalo na yun Manga-themed (favorite ko yun The Tree of Happy Leaves)... Napakahusay ng pagkakasulat ng mga kwento, lalo na ng mga gawa ni Ron Mendoza na nilapatan ng kamaghamanghang drawing tulad ni Arnel Coronel... Remarkably, napakataas ng production value, mula sa glossy colored cover hanggang sa makapal ng paper and nice print ng interior pages (except, notable na some nun mga dialogue balloon sa Manga-Shortcuts, masyado nasa gilid towards sa binding kaya hirap basahin)... Bawat title ay distict sa iba.. may variations ang kwento.. Meron tungkol sa Super Humans, Angels, Kamatayan, Vampires, Animals, mga taong may malaking Mata, atbp.. Meron rin titles na Suitable for kids like yun kay PEPE o kaya yun Fairy-tails Shortcuts kahit twisted yun istorya (favorite ko yun Another Beauty and the Beast)... Plus factor rin yun sa inside-back-cover na may konting info about sa contributors (except, wala ganito sa Shortcuts).... Sulit-na-sulit... Damang dama ko ang puso ng Black Ink na hangad nila ibalik ang Komiks sa masa..

Lalo na nung...

August 2012, the first week ng release ng Animen #1 nila Ron Mendoza and Randy Valiente sa Precious Pages branches, tumataginting na 80% off promo agad ang regalo para sa mga bibili netoh... kaya around 14 pesos lang, masisimulan mo na ang kwento ng Anim na nilalang na mayAnimalistic na kapangyariahn, sila ang Animen...

October 27, 2012, Komikon, with the contributors, ni-launch na yun other books... Nakalatag sa table ang naggagandahang mga komiks mula sa mga contributors na handang pumirma at magpapicture...

January 2013, eto ang favorite kong promo nila... When you buy any Black Ink graphic novel from Precious Pages stores, you will get a PHR pocketbook worth 37 pesos of your choice ABSOLUTELY FREE!!!.... But wait, there's more... If you are one of the first participants of the promo, you can claim a Black Ink Baller, again, for free... da best toh..


With this promo, hindi lang mahihikayat ang comic readers na bumili ng Black Ink comics, mai-introduce rin sila sa pagbabasa ng romance pocketbooks...

 
Hitting two birds with one stone...

One thing rin na gusto ko sa ginawa ng Black Ink, ay yun My Midnight... Nice rin na nilabas nila yun tatlong book ng sabay sabay... With that, yun mga nakabasa ng PHR Gothic Romance My Midnight by Camilla, magiging interesado na bumili rin ng My Midnight graphic novel... Vice versa, tulad ko, after ko matapos yun graphic novel, di ko napigilan try basahin un novel (though hanggang ngayon di ko pa tapos basahin, busy).. It worked both sides... It will be nice na mag-adapt ulit sila ng romance novel to comics..


And recently, na-distribute na rin sa branches ng National Bookstores ang Black Ink comics.. Makikita sila sa mga Philippine Literature section o kaya sa mga corner shelves o sa New Releases table o kung di mo mahanap try mo inquire sa Customer Service... Ayan na, dahil dyan,  pang masa na talaga, may availability na kahit saan since ilan lang branches ng Precious Pages... Possible kaya na makita rin natin next time na nasa Top Ten bestseller Philippine Publication na ang Black Ink comics? Possible rin kaya na in the near future, magkaroon na ng halos sariling shelf/rack sa NBS ang Black Ink tulad ng sa Philippine Ghost Stories o yun mga book ng PSICOM? o kelan kaya magkakaroon ng Philippine Graphic Novel section sa NBS para sa Black Ink together with publications form Visprint and NBS and indie creators tulad ng sa Tagalog Romance section?

Hmmmm... pano kaya manyayari yun?... any idea?...  basta sa ngayon ang wish ko lang ay magtuloy-tuloy ang ginagawa ng Black Ink, sana wag mabitin yun mga kwento, nine to twelve books/issues each pa naman yun mga titles...

Samahan natin ang Black Ink sa pagbalik sa kamalayan ng masa ang mga comics na gawang pinoy...

- Kristopher Dimaano Garello

Black Ink comics are available at Precious pages and National Bookstore branches...