Thursday, July 25, 2013

Indieket Komiks Preview: Mukat #10

Mukat #10
Genre:  Adventure/Fantasy
Age Rating:  All Ages
Story and Art:  Mel Casipit
Price:  40 Pesos
Publisher:  Pangalatoon Productions/ Frances Luna III

Art-wise, Baboy ang pinaka-favorite kong gawa ni Mel. Story-wise, dito ako sa Mukat. Nakakaiwiling basahin. Nakakatuwa yung mga characters at yung story mismo. Para kang nagbasa ng isang kwento sa Funny Komiks o nanoon ng isang episode ng anime. At congrats, Mel! Nakakasampung-issue na pala itong Mukat! Not bad considering na ginawa nya to way back estudyante days pa nya. Dati sa mga classmates nya lang shine-share. Ngayon, lumaki na ang following ng Mukat at isa na ito sa laging inaabangan ng mga buyers tuwing may convention. I'm sure pasunod na soon yung Mukat Vol. 2 compilation!


Ano ang dapat abangan for this issue?
1. According kay Mel, puno ng "action at revelation" ang issue na ito.
2. Bibida sa issue sina Jani at Sapok!
3. Personally, isa sa inaabangan ko tuwing merong bagong issue ng Mukat ay yung mga Pangasinense words na ginagamit nya bilang pangalan ng mga tao at mga lugar (Gurabis, Bambanu, Andila, Kulayot, etc). Napaka-random at nakakatawa lalo't tiga-Pangasinan din ako.


Kitakits sa Meganon table! Dun pu-pwesto si Mel Casipit ngayong darating na Komikon Indieket sa Bayanihan Center August 10, 2013.


- Mark Rosario

1 comment: