SINAG - Kabanata Tallo: Pasubali ng Tanghali
Genre: Adventure/Action
Age Rating: PG13
Story and Art: Jaudaux Agdeppa
Publisher: AshFrost Production
Price: 50 pesos
Eto ang third issue ng isa sa mga pinakaka-aabangan kong indie komiks - at sa wakas magiging available na rin sya sa Komikon Indieket ngayong August 10, 2013.
Gustong gusto ko ang dibuho at panitikan ni Jaudaux sa komiks na to. Yung mga dialogue na straight Tagalog, pinoy na Pinoy at may kalaliman. Ang dami kong natutunan na mga bagong salita. Yung mga Philippine mythological characters rin nya, very distinct. Very expressive yung mga mukha nila. Panalo rin ang humor ni Jaudaux, simpleng bumanat, pero super kwela.
1. Ang kahihinatnan ng laban nila Silang (Monk-Impakto) at Rigos (Maligno).
2. Ang magiging importansya ni Aglugan (Albino-Tikbalang) sa adventure ni Agos.
3. Marami pang eksena ng makulit na magkapatid na sina Lomi.
4. Ang pagdating ng bagong character; ang Sigbin.
5. Sila Mambabarang at Kapre: Kaaway ba o kakampi? Pati yung tungkol sa Minokawa at Baua, sobrang nakakaintriga.
Jaudaux at Pinoykon |
- Kristopher Dimaano Garello
No comments:
Post a Comment