Dahil papalapit na ang Komikon Indieket, gumawa ako ng aking top picks (in no particular order) na everyone should have sa Komiks collection nila na would most likely be available on Indieket.
Dalawang Liham #1 & 2
Genre: Drama
Age Rating: All Ages
Story and Art: Ronzkie Pacho-Vidal
Price: 60 pesos each
A story about a right love at the wrong time.
This is my favorite so far. Parang akong nanonood ng telenobela o nagbabasa ng novel ni Nicholas Sparks. Kahit ilang beses ko na sya nabasa, apektado parin ako sa kwento. Bawat page ay talagang na-appreciate ko, ang husay ng drawing ni Ronzkie, sobrang detalyado at malinis ang pagkakagawa. Kitangkita ang damdamin ng bawat character, hindi ko mapigilan madala sa bawat eksena. Ang twist. Ang surprise. hmmm..... un lang, baka makapagbigay pa ako ng spoiler... Kaya bili na kayo para malaman nyo ang tinutukoy ko...
Ang Sumpa #1 & 2
Genre: Detective
Age Rating: Teenage 13+
Story and Art: Andoyman
Andoyman Komiks
Price: 40 & 25 Pesos (respectively)
1:23 AM. Natagpuang wala nang buhay ang katawan ng pangulo ng Pilipina. Nagpakamatay? O pinatay? Isang tao lang ang makakaalam.At dahil sa husay sa pagsulat ni Andoyman, nagtagumpay syang guluhin ang utak ko. Kahit Simulang kabanata palang eto ng kabuuan ng kwento nya, talagang napapa-isip ako, ilang beses ko binalikan ang earlier pages para sa mga details na hindi ko agad napansin. Eto yung komiks na talagang mabibitin ka at masasabik sa mga susunod pang issue.
Puso Negro
Genre: Comedy
Age Rating: PG 13
Story and Art: James Paolo Pineda Palabon
Section Six Comics
Price: 70 peos each (100 for both)
Teaching good values through bad conduct.LOL, Whahaha yan lang ang initial na masasabi. Eto ang komiks na seryoso at the same time sobrang nakakatawa; effortless ang humor ni JP, an-lusog ng utak. Puro kalokohan ang komiks na toh, pero punong puno ng lesson. May mga eksena rin na talagang pupukaw sa damdamin mo. Panalo toh.
Indieket special promo |
Crime-Fighting Call Center Agents #1 - 3
Genre: Horror-comedy
Age Rating: PG 13
Story: Noel Pascual
Art: AJ Bernardo
Kowtow Komiks
Price: 75 pesos each (200 for set of 3)
Super kwela tong komiks nila Noel at AJ. Ang kulet ng magkakaibigan na characters, bawat isa may distinct na kabaliwan. Astig ng pagkakaguhit lalo na ng facial expressions nila, kahit recycled yun ibang art sa ibang panel, iniba lang ng konti yung kilay o buka ng bibig, tapos sinamahan pa ng witty dialogue, panalong panalo. Favorite scene ko yun nandun si Wolverine.... Oo nandun si Wolverine, kaya bumili ka na ng CFCCA para malaman mo kung bakit..
So kitakits sa Bayanihan Center August 10, 2013. Tara na at tangkilikin ang mga astiging comics na gawang pinoy.
- Kristopher Dimaano Garello
No comments:
Post a Comment