PHR Gothic Romance My Midnight by Camilla
Di ako nahilig magbasa ng Tagalog Romance PocketBooks at hindi rin ako fan ng mga poging vampire tulad ng mga gawa ni Stephenie Meyer, pero nang mabasa ko tong gawa ni Camilla, naging instant fan nya ako. Napakahusay ng pagkakagawa. Maganda ang kwento, hindi predictable, maraming twist. Sobrang na-enjoy ko ang pagbabasa lalo na pag nag-dedescribe sya ng details ng isang setting tulad nun sa underground church, o dun sa malaki nilang bahay, o dun sa adventure park; talagang mavi-visualize mo yun lugar at maglalakbay ang isip mo. Gusto ko rin yun mala-Game Of Thrones na dateng ng kwento, may mga angkan, daming charaters; kung sino ang anak ni ano, sino magkakapatid, sino magkakamaganak; napagawa ako bigla ng geneology diagram para di ako malito sa relationships between characters. Bawat isang character may important role, kahit yun mga katulong may twist; favorite ko yun kay Fermina. Kaya lang sa dami ng characters, maraming beses na na-confuse ako, kelangan ko balikan yun paragraph para maintindihan ko kung sino yun tinutukoy ng pronoun na "siya" o "niya". Na figure out ko nalang na most likely pag "siya" o "niya" ang nasa narration, it pertains sa main character.
Tulad nga ng sabi ko, di talaga ako nagbabasa ng mga pocketbooks o ng stories na ganito; pero sobrang nag-enjoy ako sa pagbabasa nito and actually considering My Sunset sa to-read-list ko.
BlackInk Comics My Midnight Graphic Novel written by Ron Medoza and illustrated by Randy Valiente
Written sya in English; well-written yun mga dialogues kaso naging less yun Kilig-effect kesa sa pagbinasa sa tagalog pocketbook. Super like ko pano nila ni-present yun characters lalo na yun difference ng characters nila Yael and Bullet. Kaya lang, napansin ko lang na bakit sa pocketbook maganda ang description kay Rasberry, pero dito muka syang bakla. Yun first two books, tugmang tugma sa pocketbook lalo na yun sa prologue and story of King Vladimir, talagang binigyan ng buhay ng art ni Randy Valiente yun story. Dun nga lang sa third, bumilis yun pacing, tingin ko meron mga important scenes sa story na dapat sinama dito sa graphic novel, and yun ending naiba yun eksena. I think dapat naglaan pa ng extra pages for the final battle, parang kaseng lumabas na di man lang nahirapan tapusin nun main character yun kalaban, petiks lang sya.
Very nice tong ginawa ng BlackInk, na i-adapt ang wonderful Tagalog Romance story sa Graphic Novel format. I hope gumawa pa sila ng mga ganito in the near future. Salamat sa magandang Komiks.
- Kristopher Dimaano Garello
BlanInk comics are available at Precious Pages, National Bookstore, and Book Sale.
.. i really love it . nabitin lang .' :P
ReplyDelete