Eto yung report ko sa
Summer Komikon as a fan and attendee.. Nagsulat rin ako ng maikling entry sa
kabilang blog ko tungkol naman sa experience ko as a first time seller (ni-launch ko nga pala yung
My Wife Is Pregnant comics sa event na ito).
|
Photo credits: Robin Rivero |
Dumating kami nina Joy at baby Yuri sa Bayanihan Center around 10:30 am. Hardcore na yung pila that time. Abot na hanggang labas. Buti na lang nakapasok din kami agad. Pagpasok na pagpasok, si Omeng (Estanislao) agad ang nasalubong namin. Natuwa naman ako at may freebie agad kami haha! Binigyan nya kami ng kopya nung Summer Komikon situational cartoon nya. Sobrang ganda! Kasama kami nina Joy at Yuri sa poster. Papa-frame namin to for sure hehe!
Isa sa mga una kong binili e yung pinaka-aabangan kong
Bake Mono High ni
Elbert Or. Nakikita ko na dati yung sa
K-Zone eh. Isa pa, sobrang fan ako ng artsyle ni Elbert. Bukod sa ma-entertain, isa sa purpose kaya ako bumili ng Bake Mono e para pag-aralan yung style nya haha! Masaya bumili kasi kasabay ko si
Bien Del Rosario ng
AdoboVerse. Kwentuhan kami tungkol sa komiks nya (na sobrang miss ko na rin). Try daw nya mag-release ng bago sa
Indieket. Nice!
Maya-maya pa, nakita ko na yung dalawang komiks buddies ko na sina
Danry at
Kristopher. Sa wakas, nahawakan ko rin ang
Batch 72 from Danry haha.. Kay Kris naman e yung
Andong Agimat,
Animen at
FCBD Comics ng
Comic Odyssey. Ansaya talaga pag merong kaswap ng komiks sa Kon.
Ikot-ikot pa. Tingin-tingin din. Si Joy, bumili rin ng komiks nya. Love Letter ni Reylee (Perti Ba Comics). Manga. Mukhang cute din hehe.. Ako, maya-maya pa e meron na rin akong Liga ni Likeman #1, Lakan at Makisig #3, Espiritista #1, Jacara Zar #2 tsaka yung colored giveaway sa Storylark table na "I Hate Mornings." Lupet, glossy ehehe! Astig din yung pinamigay ni Jon Zamar na Next Issue Anthology preview (na inabot ni Kris sa kin hehe). Very interesting! Anime ang tema. May mga time slot pa!
Isa sa mga highlight para sa kin e yung nakapagpa-sign ako ng
Bully Saurus Rex kay
Robert Magnuson. Lagi ko kasing binabasa yung book na yun kay Yuri mula pa nung 3 months old sya. Pinapirma ko para matuwa si baby pag laki nya. Ambait ni Robert. Kakawili kausap. Kaka-starstruck nga lang hahaha!
Well, siguro yung pinaka-highlight sa lahat e yung wedding proposal on stage. Antindi ni
Omeng. Lalo ko syang naging idol. Rakistang-rakista haha! Nangako syang "ipaglalaba, ipagluluto at ipamamalantsa" si
Ails. Ang naisagot na lang ni Ails (na halos hindi tumigil kakaiyak) eh "I want to spend the rest of my life with you." Woohoo! Sigawan ang lahat. Ako naman, maluha-luha kahit malayo kami sa stage (that time, ni hindi ko nga alam na sina Omeng at Ails yun). Basta natuwa lang ako para sa kanila. Sana sa Summer Komikon din sila mag-reception in the future hehehe...
Overall, sobrang saya nung Summer Komikon. Na-observe ko lang, sobrang daming tao. As in sobra! Kelangan na kayang lumipat sa mas malaking venue?.. Tsaka nga pala.. Natuwa ako na libre ang entrance ng mga bata hanggag 12 noon. Sana laging ganyan. Mas maganda nga kung permamente na at kung whole day. Para mas maraming bata na ma-hook sa pagbabasa ng komiks. Para mas lumaganap pa at maipasa sa susunod na generation yung hobby ng comics reading
Salamat, Komikon, sa isang malupit na event. Salamat din, 7-11, para sa Slurpee at sa mga The Hobbit cups ninyong puro Gollum naman haha! Oks lang libre naman :p
- Mark Rosario