Written and colored by : Lancelot Catan
Illustrated by: Carl Embalzado
Pinoykon. Lakad lakad muna, then this komik really caught my attention. ANG BATANG NAKASALAKOT. Unang pumasok sa isip ko yun Buknoy ni Paul Merick Malunes, yung batang may mahiwagang salakot. "Anong meron sa salakot?" yan agad ang tanong ko kay Lancelot. Then ikinuwento nya yun plot na ang bida ay may pangalan na Bernardo Carpio. Hmmmm, naisip ko, parang dami na stories na ang bida Bernardo Carpio; like yun sa Sanduguan ni Gener Pedrina, o yun sa Skyworld, o yun sa PSICOM o iba pang kwento tungkol sa alamat. "Ano ang special sa Bernardo Carpio mo?". Talagang lalo ako na-intriga sa komiks na to. Ano bang kakaiba ang maiihain ng komiks na ito?.
As describe above, batang Bernardo Carpio ang bida, pero hindi pala sya ang orig na Bernardo na nakagisnan natin mula sa mga alamat. Ninuno nya ang unang Bernardo. Isang katuparan na mula sa bloodline ng Unang Bernado Carpio ay may magmamana ng kanyang lakas. Very interesting. Pero itong unang issue ay isa palamang introduction ng characters, discoveries, and back stories. Marami pang questions sa utak ko na di nasagot tulad ng "ano meron sa salakot?" o bakit naka-Haduken ang bida sa cover, namana rin ba nya yun superpower na yun?.
Ganun pa man, I enjoyed this issue. Agad ko sya pinuntahan and showed my appreciation and concern about sa mga na-observe ko as described above. He is so nice naman to welcome my feedback and told me na aware sya sa errors involving the typos; little miscummunication daw regarding sa printing. Gusto ko malaman yun mga susunod na mangyayari sa title nato. He would not give me spoilers kahit na hints. He just told me na may plan sila about dun sa salakot na I eagerly ask "ano meron sa salakot?"
Aabangan ko talaga to hanggang matapos and kwento.
Lancelot is a very nice guy, I hope every komiks creator would be like him. I also like na very suportive yun buong family nya, kasama pa nga palagi yun anak nya sa convention. Congratulations Vicatan Komiks.
Lancelot Catan with his son and nephew |
- Kristopher Dimaano Garello
No comments:
Post a Comment