Thursday, August 8, 2013

Indieket Komiks Preview: Espiritista #2


Espirtista #2: Death and the Scarecrow
Genre: Fantasy/Adventure
Age Rating: PG 13
Story and Art: Nino Balita
Publisher: Pagsapuge Comics
Price: 50 pesos

Balita ko kay Nino, ilalabas nya ang Espiritista: Death and the Scarecrow sa darating na Indieket ngayong Sabado. Kung pupunta ka sa event, isa ito sa mga irerekomenda ko.

Nabasa ko yung first issue ng Espiritista (Greetings and Farewell) last Summer Komikon at nakakatuwa na nasundan nya agad ng bagong issue ito.

Okay tong series ni Nino. Na-enjoy namin basahin ni Misis after the event. Nakakatuwa yung characters plus interesante ang story. Cute yung size ng comics, pwedeng-pwedeng iipit sa notebook hehe..Magsusulat ako ng review nung first issue next time. Excited ako rito para sa pangalawa!


Hanapin nyo si Nino Balita sa Komikon IndieKet 2013 ngayong Sabado na sa Bayanihan Center!


Wednesday, August 7, 2013

Indieket Komiks Preview: Seven Souls (Prologue)


Seven Souls (Prologue)
Genre:  Suspence/Action
Age Rating:  PG 13
Story and Art:  Jervyn Pamatian
Publisher:  Nuclear Winter Comics
Price:  50 pesos
Nilabas na ito last Indieket 2012 ni Jervyn under T-phase Comics.  I really like the story kahit prologue palang ito.  Very interesting yung characters.  Yung art sa first pages, medyo marumi tignan, but sa later pages naman kitang kita yun improvement, luminis na yun art, lalo ko na-enjoy yun kwento.  So, ano naman kaya maiipakitang iba neto sa naunang labas?  Under Nuclear Winter Comics?

Ano ang inaabangan ko sa revamped na Seven Souls (Prologue)?
1.  Updated story and art; especially sa first few pages.
2.  Production side, since this edition is much cheaper than the last year's; dati 80 pesos sa T-phase pero ang printing quality naman panalo.





Kitakits tayo sa table ni Jervyn at ng Nuclear Winter Comics sa Komikon Indieket sa Bayanihan Center August 10, 2013.  Try rin natin yung iba pa nilang komiks.



- Kristopher Dimaano Garello

Monday, August 5, 2013

Indieket Komiks Preview: Kalayaan #15


Kalayaan #15

Genre:  Superhero
Age Rating:  PG13
Story and Art:  Gio Paredes
Price:  65 Pesos
Publisher: GMP Comics

Sisikapin daw ni Gio Paredes na ihabol itong Kalayaan #15 sa Indieket.

Akalain mo yun? Naka-15 issues na pala so far si Kalayaan? Bilib talaga ako sa sipag at dedication ni Gio sa pagko-komiks. Hindi ako sigurado kung sya na ngayon ang may hawak ng record bilang "longest running indie comics series." Kung sakali man, hindi na rin siguro ako magugulat.

Bukod sa regular Kalayaan issues, nakapaglabas pa nga sya ng Kalayaan #0 (special introductory comic) plus Kalayaan Vol.1: A New Pinoy Superhero trade paperback (na available nationwide thru National Book Store). Sa ngayon, nag-i-ink pa nga sya para sa Bayan Knights #7 eh (i-discuss ko yan sa isa pang blog entry in the future).

Parang kelan lang nung nag-start ako bumili sa kanya (usually by mail ko natatanggap yung Kalayaan comics) at ngayon nasa 15 na sya. WOW! Kudos, Gio, for 15 issues!

Nawa'y magtuloy-tuloy pa ang Kalayaan at nawa'y dumami pa ang creators na kasing sipag mo - para dumami rin ang mas masayang mga readers gaya ko hehe!Ano ang dapat abangan for this issue?

1. Base sa cover, mukhang magiging mahangin ang issue na ito.

2. Sino nga kaya si Buhawi? Hero o villain? Member ba sya ng Parokya ni Edgar? Malalaman natin pag nabasa natin to hehe.. Sa blog entry ni Gio, magiging "one of the major characters" daw tong si Buhawi.

3. Base sa preview page na ito, mukhang patuloy si Gio sa pag-improve bilang artist. Yan yung isa sa gustong-gusto ko sa pagbabasa ng comics nya actually. Yung nakikita ko yung growth nya as writer and illustrator. Nakaka-inspire! Panalo sa details tong panel 1.



Bilhin ang Kalayaan #15 at iba pang Kalayaan issues sa table ni Gio Paredes ngayong darating na Komikon Indieket sa Bayanihan Center August 10, 2013.



- Mark Rosario