Thursday, February 27, 2014

Kapitan Tog #1 by Freely Abrigo


I finally got my hands on Kapitan Tog #1 (of 3) by Freely Abrigo. I bought this comic book last Komikon Baguio for 60 bucks.

He signed my copy and man! Me and my wife were very impressed with his handwriting. It’s so clean it looks like it’s been printed on the comic itself haha!


I also got this awesome free sketch:

Anyway, Kapitan Tog is a silent comic meaning the pages are completely wordless (well, except for the SFX, of course).

Ask me to describe it in two words and I’ll give you this: hysterically hilarious!

Freely shows us that he is truly a master of his craft, skillfully relying on facial expression and slapstick humor to tell his story and successfully draw laughter from all of us, his readers.

It’s really a nice breather to find comic books like this nowadays. This is the perfect title for you if you think you just want a break from all the dark and gritty and obscene stuff out there. This will have you laughing, I assure you that. And since this is an all-ages title, you won’t have to hesitate sharing this with others. I’m sure kids and adults alike will enjoy this one.


I regret I didn’t pick up Kapitan Tog #2. It was available on Freely’s table during the event. I can only blame my pocket for that since we were on tight budget that day. I’ll definitely make that my priority the next time I get to see the guy. But before that, I’ll drop by my local bookstores and look for his Kulas books from Visprint. I’m officially a fan for life!


- Mark Rosario






Thursday, February 13, 2014

Dalawang Liham ni Ronzkie Pacho-Vidal

Dahil Valentine’s Day ngayon, naisipan kong i-review itong komiks na “Dalawang Liham” ni Ronzkie Pacho-Vidal. Nabili ko noong nakaraang Komikon Baguio. P60 bawat kopya pero P100 na lang pag binili mo yung 1 at 2.

Kuha ni Kristopher Dimaano Garello
Nung una, medyo nalito ako sa covers. Akala ko isang issue lang ito kasi sobrang similar yung concept at execution. Pero kung titignang maigi, mga bata pala yung nasa cover ng #1 at mas matured naman yung nasa #2. Sa back cover naman, nakalagay ang description ng kwento: “A story about a right love at the wrong time.” Muntik akong mapakanta. Hahaha!

Artwise, sobrang impressive nitong gawa ni Ronzkie. Ganda ng pencil work. Naaaliw akong tignan yung mga stroke nya sa buhok. Napaka-elegante hehe. Astig din ng details lalo na pag yung puno ang dino-drowing nya.

Eto yung sample ng isang panel nya:


Storywise, nakakawiling basahin yung kwento. Tsaka ang galing ni Ronzkie managalog. Natural na natural ang mga bitaw kahit medyo poetic ang ilang linya. Magaling din sya mag-express ng emosyon ng character. As a reader, mas madali ma-imagine yung nararamdaman ng characters pag magaling ang wordings. Ganun ang naramdaman ko habang binabasa ko ito.

Maganda rin yung idea ni Ronzkie na maglagay ng sulat (as in liham) sa dulo ng bawat issue. As in merong maliit na sobre at pink na papel na bubuksan mo pagkatapos mong basahin ang komiks. Kumbaga, hindi ka lang basta reader. Bigla kang magiging parte talaga ng kwento na para bang ikaw mismo yung character.

Weird lang siguro ako pero nag-alangan akong basahin yung sulat nung una. Feeling ko invasion of privacy hahaha! Nakakatawa yung letter (kudos sa Ninja Turtles reference) pero may kurot sa dulo. Magaling yung idea. Very effective.

Naging “instant fan” ako ni Ronzkie dahil dito sa Dalawang Liham. First time kong makabasa ng komiks nya at sigurado akong hindi ito ang huli. Bibili ulit ako next time ng mga gawa nya!


- Mark Rosario

Thursday, August 8, 2013

Indieket Komiks Preview: Espiritista #2


Espirtista #2: Death and the Scarecrow
Genre: Fantasy/Adventure
Age Rating: PG 13
Story and Art: Nino Balita
Publisher: Pagsapuge Comics
Price: 50 pesos

Balita ko kay Nino, ilalabas nya ang Espiritista: Death and the Scarecrow sa darating na Indieket ngayong Sabado. Kung pupunta ka sa event, isa ito sa mga irerekomenda ko.

Nabasa ko yung first issue ng Espiritista (Greetings and Farewell) last Summer Komikon at nakakatuwa na nasundan nya agad ng bagong issue ito.

Okay tong series ni Nino. Na-enjoy namin basahin ni Misis after the event. Nakakatuwa yung characters plus interesante ang story. Cute yung size ng comics, pwedeng-pwedeng iipit sa notebook hehe..Magsusulat ako ng review nung first issue next time. Excited ako rito para sa pangalawa!


Hanapin nyo si Nino Balita sa Komikon IndieKet 2013 ngayong Sabado na sa Bayanihan Center!


Wednesday, August 7, 2013

Indieket Komiks Preview: Seven Souls (Prologue)


Seven Souls (Prologue)
Genre:  Suspence/Action
Age Rating:  PG 13
Story and Art:  Jervyn Pamatian
Publisher:  Nuclear Winter Comics
Price:  50 pesos
Nilabas na ito last Indieket 2012 ni Jervyn under T-phase Comics.  I really like the story kahit prologue palang ito.  Very interesting yung characters.  Yung art sa first pages, medyo marumi tignan, but sa later pages naman kitang kita yun improvement, luminis na yun art, lalo ko na-enjoy yun kwento.  So, ano naman kaya maiipakitang iba neto sa naunang labas?  Under Nuclear Winter Comics?

Ano ang inaabangan ko sa revamped na Seven Souls (Prologue)?
1.  Updated story and art; especially sa first few pages.
2.  Production side, since this edition is much cheaper than the last year's; dati 80 pesos sa T-phase pero ang printing quality naman panalo.





Kitakits tayo sa table ni Jervyn at ng Nuclear Winter Comics sa Komikon Indieket sa Bayanihan Center August 10, 2013.  Try rin natin yung iba pa nilang komiks.



- Kristopher Dimaano Garello

Monday, August 5, 2013

Indieket Komiks Preview: Kalayaan #15


Kalayaan #15

Genre:  Superhero
Age Rating:  PG13
Story and Art:  Gio Paredes
Price:  65 Pesos
Publisher: GMP Comics

Sisikapin daw ni Gio Paredes na ihabol itong Kalayaan #15 sa Indieket.

Akalain mo yun? Naka-15 issues na pala so far si Kalayaan? Bilib talaga ako sa sipag at dedication ni Gio sa pagko-komiks. Hindi ako sigurado kung sya na ngayon ang may hawak ng record bilang "longest running indie comics series." Kung sakali man, hindi na rin siguro ako magugulat.

Bukod sa regular Kalayaan issues, nakapaglabas pa nga sya ng Kalayaan #0 (special introductory comic) plus Kalayaan Vol.1: A New Pinoy Superhero trade paperback (na available nationwide thru National Book Store). Sa ngayon, nag-i-ink pa nga sya para sa Bayan Knights #7 eh (i-discuss ko yan sa isa pang blog entry in the future).

Parang kelan lang nung nag-start ako bumili sa kanya (usually by mail ko natatanggap yung Kalayaan comics) at ngayon nasa 15 na sya. WOW! Kudos, Gio, for 15 issues!

Nawa'y magtuloy-tuloy pa ang Kalayaan at nawa'y dumami pa ang creators na kasing sipag mo - para dumami rin ang mas masayang mga readers gaya ko hehe!Ano ang dapat abangan for this issue?

1. Base sa cover, mukhang magiging mahangin ang issue na ito.

2. Sino nga kaya si Buhawi? Hero o villain? Member ba sya ng Parokya ni Edgar? Malalaman natin pag nabasa natin to hehe.. Sa blog entry ni Gio, magiging "one of the major characters" daw tong si Buhawi.

3. Base sa preview page na ito, mukhang patuloy si Gio sa pag-improve bilang artist. Yan yung isa sa gustong-gusto ko sa pagbabasa ng comics nya actually. Yung nakikita ko yung growth nya as writer and illustrator. Nakaka-inspire! Panalo sa details tong panel 1.



Bilhin ang Kalayaan #15 at iba pang Kalayaan issues sa table ni Gio Paredes ngayong darating na Komikon Indieket sa Bayanihan Center August 10, 2013.



- Mark Rosario

Wednesday, July 31, 2013

My Top Picks Must-have for Indieket 2013 part 2

Dahil papalapit na ang Komikon Indieket, gumawa ako ng aking top picks (in no particular order) na everyone should have sa Komiks collection nila na would most likely be available on Indieket



Zombinoy #1 - 4
Genre:  Comedy/Horror
Age Rating:  Mature
Creators:  Geonard Yleana/Carlo Cruz/ Sid Santos/Dennies Layante
Pelikomiks Studios
Price:  100 pesos each

Standard comic book size, high quality printing, 28 pages, 100 pesos each lang, sulit na sulit. 

Hindi ito typical zombie-invasion story.  What if sa Pinas ang setting, handa na ba ang gobyerno sa mga kanitong sakuna, may kakayahan ba ang mga ekspertong pinoy para mapuksa ang ganitong virus, ano ang magiging papel ng mga ordinaryong mamamayan o mananatili lang ba silang mga biktima?... paano nga kaya?   Dyan nagtagumpay ang Pelikomiks, nagawa nilang pinoy na pinoy ang kwento, talagang nasalamin ang kalagayan ng ating bansa.................... ikaw, handa ka na ba sa mga ganitong Komiks?



Drop Dead Dangerous
Genre:  Horror/Action
Creators:  Chad Cabrera/Mike Banting
Old habits die hard... particularly for a notorious serial killer known as "The Raven" who has seemingly come back from the dead to exact his vengeance.  Old wounds reopen and it's up to a wayward detective and his newfound partner to uncover the murderer's identitiy--- before the corpses pile up between them and the truth.
Maraming intriga ang bumabalot sa pagkatao ng mga main character.  Mga lihim na unti-unting nabibigyan ng paliwanag.  Nakakainip ang next issue.  Haha.  Talaga namang nakakabitin at kapanapanabik kung ano na ang magyayari sa kwento ng mga bidang detective.

Madugo ang komiks toh; brutal ang fight-scenes.  May chick na may malaking Melon; nakakatakot.  May love story rin; posible kayang may love-triangle?  hmmm.  Samahan nyo nalang akong subaybayan ang Drop Dead Dangerous.
Drop Dead Dangerous #3.     COMING SOON







The Land of the Guardians/On Lighter Dreams
Genre:  Adventure/Fantasy
Story and Art:  Carlo Jose San Juan, MD

Rianne Nicah was a medical student who woke up one morning to find a talking duck in her kitchen.

He introduced himself as Cal Duck, her guardian duck, and explained that she was his charge.  His duty was to protect and guide her through life to helf her become the best person she could be....

Join Rianne and her friends as she continues to brave the world....      .......even one not her own...
Tong komiks na to ay especially recommended by my partner-in-crime Mark Rosario.  Bihira lang, pero whenever may suggestion sya, I know, it is worth to read.  Tama sya, this is so good na you would like others to read it too.  Isa to sa mga paborito kong dinadala sa office, and if may gusto humiram, go, sige lang, these kind of books deserved to be shared.  Very inspiring.  Kahit sa preface o foreword palang, nakakagaan na ng pakiramdam.  Be inspired.........


Ambush Omnibus
Genre:  Action Comedy
Age Rating:  8 and up
Creator:  Andrew Villar with a cover by Rod Espinosa
Price:  250 pesos
CoRe Studios
This Ultimate Ambush Comics Omnibus definitely has it all; Secret agents, slime guns, military action, sexy women, parent searching, girl on girl fights, guest stars, clones and the  beach!.  This book contains 200+ comic strips and additional new strips.  Be AMBUSED like never before.
Para sa mga katulad ko na hindi nasubaybayan ang Ambush from the start; eto ang para sa atin, pede na natin mabasa ang kwento ni Amber in one-seating.  Ang adventure nya with Planet Opdi Eyps.  Ang team-ups nya with other local comic characters, like Kulas, Wang, Quipino, Zeke, Alexandra Treses, Zsa Zsa Zaturnnah etc.  Panalo rin yung mga reference sa Star Wars, G.I. Joe, 300, Twilight, Transformers.  Daming surprises sa book na toh.  Hinding hindi ka magsasawa basahin.

Here's a big early-bird Ambush promo.  Now may reason ka na pumunta ng maaga sa event.




We can also buy Komikon Indieket advance tickets at Comic Odyssey para there no need na pumila sa tickets sa venue.

So kitakits sa Bayanihan Center August 10, 2013.  Tara na at tangkilikin ang mga astiging comics na gawang pinoy.


- Kristopher Dimaano Garello

Friday, July 26, 2013

My Top Picks Must-have for Indieket 2013 part 1

Dahil papalapit na ang Komikon Indieket, gumawa ako ng aking top picks (in no particular order) na everyone should have sa Komiks collection nila na would most likely be available on Indieket.



Dalawang Liham #1 & 2
Genre:  Drama
Age Rating:  All Ages
Story and Art:  Ronzkie Pacho-Vidal
Price:  60 pesos each
A story about a right love at the wrong time.

This is my favorite so far.  Parang akong nanonood ng telenobela o nagbabasa ng novel ni Nicholas Sparks.  Kahit ilang beses ko na sya nabasa, apektado parin ako sa kwento.  Bawat page ay talagang na-appreciate ko, ang husay ng drawing ni Ronzkie, sobrang detalyado at malinis ang pagkakagawa.  Kitangkita ang damdamin ng bawat character, hindi ko mapigilan madala sa bawat eksena.  Ang twist.  Ang surprise.  hmmm..... un lang, baka makapagbigay pa ako ng spoiler... Kaya bili na kayo para malaman nyo ang tinutukoy ko...



Ang Sumpa #1 & 2
Genre:  Detective
Age Rating:  Teenage 13+
Story and Art:  Andoyman
Andoyman Komiks
Price:  40 & 25 Pesos (respectively)
1:23 AM.  Natagpuang wala nang buhay ang katawan ng pangulo ng Pilipina.  Nagpakamatay?  O pinatay?  Isang tao lang ang makakaalam.
At dahil sa husay sa pagsulat ni Andoyman, nagtagumpay syang guluhin ang utak ko.  Kahit Simulang kabanata palang eto ng kabuuan ng kwento nya, talagang napapa-isip ako, ilang beses ko binalikan ang earlier pages para sa mga details na hindi ko agad napansin.  Eto yung komiks na talagang mabibitin ka at masasabik sa mga susunod pang issue.




Puso Negro
Genre:  Comedy
Age Rating:  PG 13
Story and Art:  James Paolo Pineda Palabon
Section Six Comics
Price:  70 peos each (100 for both)
Teaching good values through bad conduct.
LOL, Whahaha yan lang ang initial na masasabi.  Eto ang komiks na seryoso at the same time sobrang nakakatawa; effortless ang humor ni JP, an-lusog ng utak.  Puro kalokohan ang komiks na toh, pero punong puno ng lesson.  May mga eksena rin na talagang pupukaw sa damdamin mo.  Panalo toh.
Indieket special promo




Crime-Fighting Call Center Agents #1 - 3
Genre:  Horror-comedy
Age Rating:  PG 13
Story:  Noel Pascual
Art:  AJ Bernardo
Kowtow Komiks
Price:  75 pesos each (200 for set of 3)

 
Super kwela tong komiks nila Noel at AJ.  Ang kulet ng magkakaibigan na characters, bawat isa may distinct na kabaliwan.  Astig ng pagkakaguhit lalo na ng facial expressions nila, kahit recycled yun ibang art sa ibang panel, iniba lang ng konti yung kilay o buka ng bibig, tapos sinamahan pa ng witty dialogue, panalong panalo.  Favorite scene ko yun nandun si Wolverine.... Oo nandun si Wolverine, kaya bumili ka na ng CFCCA para malaman mo kung bakit..


So kitakits sa Bayanihan Center August 10, 2013.  Tara na at tangkilikin ang mga astiging comics na gawang pinoy.


- Kristopher Dimaano Garello

Thursday, July 25, 2013

Indieket Komiks Preview: Mukat #10

Mukat #10
Genre:  Adventure/Fantasy
Age Rating:  All Ages
Story and Art:  Mel Casipit
Price:  40 Pesos
Publisher:  Pangalatoon Productions/ Frances Luna III

Art-wise, Baboy ang pinaka-favorite kong gawa ni Mel. Story-wise, dito ako sa Mukat. Nakakaiwiling basahin. Nakakatuwa yung mga characters at yung story mismo. Para kang nagbasa ng isang kwento sa Funny Komiks o nanoon ng isang episode ng anime. At congrats, Mel! Nakakasampung-issue na pala itong Mukat! Not bad considering na ginawa nya to way back estudyante days pa nya. Dati sa mga classmates nya lang shine-share. Ngayon, lumaki na ang following ng Mukat at isa na ito sa laging inaabangan ng mga buyers tuwing may convention. I'm sure pasunod na soon yung Mukat Vol. 2 compilation!


Ano ang dapat abangan for this issue?
1. According kay Mel, puno ng "action at revelation" ang issue na ito.
2. Bibida sa issue sina Jani at Sapok!
3. Personally, isa sa inaabangan ko tuwing merong bagong issue ng Mukat ay yung mga Pangasinense words na ginagamit nya bilang pangalan ng mga tao at mga lugar (Gurabis, Bambanu, Andila, Kulayot, etc). Napaka-random at nakakatawa lalo't tiga-Pangasinan din ako.


Kitakits sa Meganon table! Dun pu-pwesto si Mel Casipit ngayong darating na Komikon Indieket sa Bayanihan Center August 10, 2013.


- Mark Rosario

Indieket Komiks Preview: Pinoy Totoy: Pi-totoy #3


Pinoy Totoy: Pi-Totoy #3
Genre:  Action/Comedy
Age Rating:  PG 13
Story and Art:  Carlo Valenzuela
Cover Art:  Patrick Enrique
Price:  50 pesos
Publisher:  Bakal Komiks

Isa sa mga indie komiks na sinusubaybayan ko ay ang Pi-totoy ni Carlo - kung sino ang gagawa ng cover art at kung sino o ano ang nakakadiring makakalaban nya.  Isa pa sa nagustuhan ko dito ay ang production value; di tulad nun mga early komiks nya.  Big time na talaga si Carlo!

Ano ang mga inaabangan ko for this issue?
1.  Ang pagbabalik ni Shet Face.
2.  Anong meron sa Tongkat Ali at bakit kelangan eto ni Horse-cock?
3.  Pano nanaman magagamit ni Pi-totoy ang kanyang talino para matalo si Horse-cock?
4.  I expect more fight-scenes sa issue na to.
5.  Sana makita ulit natin ang Conster na si Katrina Mayaman; ang Hipster na Conyo.
6.  May appearance kaya rito si Boy Bakal o Rayan?
 


Kitakits tayo sa table ni Carlo Valenzuela sa Komikon Indieket sa Bayanihan Center August 10, 2013.


- Kristopher Dimaano Garello

Tuesday, July 23, 2013

Indieket Komiks Preview: Sinag - Kabanata Tallo: Pasubali ng Tanghali



SINAG - Kabanata Tallo:  Pasubali ng Tanghali
Genre:  Adventure/Action
Age Rating:  PG13
Story and Art:  Jaudaux Agdeppa
Publisher:  AshFrost Production
Price:  50 pesos

Eto ang third issue ng isa sa mga pinakaka-aabangan kong indie komiks - at sa wakas magiging available na rin sya sa Komikon Indieket ngayong August 10, 2013.


Gustong gusto ko ang dibuho at panitikan ni Jaudaux sa komiks na to.  Yung mga dialogue na straight Tagalog, pinoy na Pinoy at may kalaliman.  Ang dami kong natutunan na mga bagong salita.  Yung mga Philippine mythological characters rin nya, very distinct.  Very expressive yung mga mukha nila.  Panalo rin ang humor ni Jaudaux, simpleng bumanat, pero super kwela.


Ano ang mga kailangan abangan sa issue na to at sa mga susunod pa?
1.  Ang kahihinatnan ng laban nila Silang (Monk-Impakto) at Rigos (Maligno).
2.  Ang magiging importansya ni Aglugan (Albino-Tikbalang) sa adventure ni Agos.
3.  Marami pang eksena ng makulit na magkapatid na sina Lomi.
4.  Ang pagdating ng bagong character; ang Sigbin.
5.  Sila Mambabarang at Kapre:  Kaaway ba o kakampi? Pati yung tungkol sa Minokawa at Baua, sobrang nakakaintriga.

Jaudaux at Pinoykon
 Kitakits sa table ni Jaudaux sa Komikon Indieket sa Bayanihan Center August 10, 2013.


- Kristopher Dimaano Garello